Keempee tsinugi sa 'EB' nang walang rason; pero host na may sex scandal nakabalik pa | Bandera

Keempee tsinugi sa ‘EB’ nang walang rason; pero host na may sex scandal nakabalik pa

Alex Brosas - March 21, 2019 - 12:30 AM


Big deal pala kay Malou Choa Fagar ang pagsali ni Keempee de Leon sa “KapareWho” segment ng It’s Showtime.

“Sabi niya (Malou), iwas lang sa Showtime kasi nga katapat ng Eat Bulaga. This time naman parang sabi ko, ano ‘yung use na lumipat ako kung hindi ako makakapag-promote. Sabi niya work ethics naman ‘yun, maiintindihan ng ABS-CBN,” ayon sa aktor.

Si Malou na handler ni Keempee ay executive ng TAPE, Inc. na siyang nagpapatakbo ng Eat Bulaga.

“Ako nirerespeto ko ang desisyon ni Tita Malou at wala naman akong gustong apakang tao kasi nanggaling naman ako sa kanila for fourteen years and thankful ako doon.

“Sabi ko lang this is my profession, this is my work and I am doing it professionally sabi ko, tita kung puwede sana walang personalan. Kung lagi na lang sasabihin na kasi kapatat ang daddy mo, paano ako makakagalaw,” chika ni Keempee sa presscon ng upcoming series niya sa ABS-CBN na Nang Ngumiti Ang Langit.

When we asked him why he was booted out of Eat Bulaga ay nagpakatotoo si Keempee, “Tinanong ko siya, ‘Tita Malou, ano ba, makakabalik pa ba ako ng Bulaga o hindi na?’ Sabi niya, as per management, hindi na.”

Ang ikinasama ng loob ni Keempee ay ni hindi man lang siya sinabihan kung bakit siya tsinugi, “So, ‘yun ‘yung hinihintay ko, bakit? Eh, wala naman silang na-explain. I mean, hindi ko rin maisip kung may nagawa ba akong mali kasi wala naman akong nakaaway.”

So, bastusan pala ang nangyayari sa Eat Bulaga? Sabi nga namin, ‘yung may sex video scandal nakabalik sa show pero siya hindi.

“Hindi naman,” salag agad ni Keempee. “Ang sabi ko nga, kung ano ang kasalanan ko, kung ano ang nagawa ko dapat ay sinabi sa akin para at least nag-sorry man lang ako at naitama ko.”

Wala ring nagawa ang ama niyang si Joey de Leon. Ni hindi siya naipaglaban, “Nabanggit ko sa kanya (Joey). Sabi lang niya, ‘sige, banggitin ko kung bakit.’ Wala rin akong narinig na ano although alam ko naman at the back of his mind na kumbaga may alam siya siguro or anything pero hindi niya masabi.

“Ako mas gusto kong marinig ko kaysa naman mag-iisip ako dahil kalaban ko ang sarili ko. Iniisip ko kung ano ang reason,” sabi pa niya.

Sobrang na-depress si Keempee. Nagsimulang ngumiti ang langit sa kanya nang mag-post siya sa Facebook ng, “I miss working”. Nakita ito ni mareng Eric John Salut who asked him, “Wala ka bang ginagawa? Open ka ba sa ABS-CBN?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wala naman akong contract kahit saan, eh, freelance naman ako,” sagot ni Keempee. And the rest, as they say, is history.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending