Sikat na aktor ayaw nang makatrabaho ang dating ka-loveteam

By Cristy Fermin March 21,2019
share this

Sikat na aktor ayaw nang makatrabaho ang dating ka-loveteam

By Cristy Fermin March 21,2019
share this


PATAGILID ang ginawang pagtanggi ng isang pamosong male personality para muli niyang makatrabaho ang isang female personality na napakalaki ng naitulong at nagawa sa kanyang career.

Hindi maitatanggi ng male personality ang milagrong nagawa ng babae sa kanyang mga pangarap, sumikat siya dahil sa tulong ng female personality, pero naging maasim ang kanilang samahan nu’ng bandang huli.

Kuwento ng aming source, “Meron kasing umeksenang galing sa kampo ng girl, ‘yun ang sobrang nagmagaling, ang taong ‘yun ang sumira sa relasyon nilang dalawa.

“Nu’ng wala pa ang epal na taong ‘yun, e, maganda naman ang pagkakaibigan ng male at female personalities na ‘yun, maayos sila sa trabaho, walang problema.

“Pero mula nu’ng umeksena na nga ang taong mula sa kung saan nanggaling, ‘yun na! Nailang na ang girl sa partner niya, hanggang sa nagkaroon na sila ng gap ng male personality,” pag-alala ng chikadora naming source.

Kung anu-anong kuwento ang inilabas ng epal na pumagitna sa kanila, naghahamon pa nga ito, matapang ang maepal na taong ‘yun.

Patuloy ng aming source, “E, kilala sa pagiging peace-loving ang male personality, di ba? Mahabang-mahaba ang pasensiya niya, in fairness, mabait siya.

“Kaso, umepal na nga ang karelasyon pala ng female personality, kung anu-ano na ang ipinagbawal sa kanya, kaya ayun, nagpaniwala naman ang babae, nasira na nang tuluyan ang pagkakaibigan nila ng male personality,” paglilinaw pa ng aming impormante.

May mga nagpaplanong pagsamahin uli sila ngayon sa isang proyekto, nu’ng una ay ang girl ang tumatanggi, hanggang sa nagdesisyon na nga ang male personality na tanggihan ang project.

“Bakit pa nga naman niya tatanggapin ang offer, samantalang kung anu-ano na ang ginawa sa kanya ng maepal na taong umeksena nu’n para sila sirain ng partner niya?

“E, di sila na lang ang magsama, di ba? Tingnan naman natin kung maging successful ang pagbibida nila sa project! May fan base ba naman sila? Waley!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, papayag ba kayong masaktan pa uli ang mabait n’yong papa, kung sakali? Tama na, ‘no!” pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending