Dingdong papalitan si Marian bilang host ng ‘Tadhana’
MAGPAPAALAM muna si Marian Rivera sa kanyang drama anthology na Tadhana sa GMA 7 para sa kanyang maternity leave.
Masaya ang Kapuso Primetime Queen na tinanggap ng kanyang asawang si Dingdong Dantes ang hamon para pansamantalang humalili sa kanya sa Tadhana bilang host.
Sa Dantes Squad YouTube Channel ipinakita ni Marian kung paano niya sinorpresa si Dong sa pictorial nito. May pa-cake pa siya para i-welcome ang kanyang asawa sa show.
Sabi ni Marian, “Sobrang mahal ko itong show na ito…so thank you for accepting this project.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.