JK Labajo kinasuhan ng cyber libel ng nanay ni Darren Espanto

By Cristy Fermin March 19,2019
share this

JK Labajo kinasuhan ng cyber libel ng nanay ni Darren Espanto

By Cristy Fermin March 19,2019
share this


HANGGANG hindi nakikipag-break sa kanyang mga gadget si JK Labajo ay hindi siya tatantanan ng mga bashers.

Tama na dapat ang pagkuda, tantanan na niya ang masasakit na salitang ibinabato niya laban sa kung sinu-sino, para matahimik ang kanyang mundo.

At ipinaglihi rin sa patola ang singer-actor na ito, lahat na lang ay sinasagot niya, para siyang babaeng nakikipagtaltalan sa mga netizens na hindi nagkagusto sa ginawa niyang pagmumura.

Wala tayong kaalam-alam na kinasuhan pala siya ng cyber libel ng ina ni Darren Espanto, ang mommy ng singer ang naghain ng reklamo laban kay JK, dahil menor de edad ito.

Ang lahat ng mga posts ni JK nu’ng kasagsagan ng kanilang argumento ang ginamit na mga ebidensiya ng pamilya ni Darren. Matagal nang nakahanda ang pamilya para kasuhan si JK pero hinintay muna nilang magdisiotso anyos ang kontrobersiyal na singer ng pamosong “Buwan.”

Kailangan nang lumayo muna si JK sa kanyang mga gadgets, tama na ang mga salitang hindi hinihingi ng pagkakatoan, para tumigil na rin ang mga pamba-bash sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending