Haba ng buhay masusukat sa taas, bigat — study | Bandera

Haba ng buhay masusukat sa taas, bigat — study

- March 18, 2019 - 08:00 AM

MAY kinalaman ang taas at timbang ng isang babae sa haba ng kanyang magiging buhay.

Ito ay base sa pag-aaral ng mga dalubhasa sa Maastricht University Medical Centre, The Netherlands.

Pinag-aralan ang datos ng 3,646 lalaki at 4,161 babae na edad 68 hanggang 70. Ang mga ito ay nauna ng naging bahagi ng the Netherlands Cohort Study.

Bukod sa pagkuha ng tangkad at timbang, binantayan din ang aktibidad ng mga ito. Hinati sila sa tatlong grupo, ang mga nagpapapawis ng hindi hihigit sa 30 oras kada araw, 30-60 minuto kada araw at 60 at higit pang minuto kada araw.

Sinundan ang progreso ng mga ito hanggang sa marating ang edad na 90 o hanggang sa kanilang kamatayan.

Lumalabas sa pag-aaral na ang mga babae na buhay pa sa edad na 90 ay ang mga babae na average ang tangkad, at hindi halos bumigat ang timbang kumpara noong sila ay 20 anyos pa lamang.

Ang mga babae na 175 sentimetro (5’9”) ang taas ay mayroong 31 porsyentong tyansa na umabot ng 90 taong gulang kumpara sa mga wala pang 160 sentimetro (5’3”) ang tangkad.

Wala namang ganitong nakitang datos sa mga lalaki pero ang mga lalaki umano na mas mahaba ang buhay ay ang mga lalaki na mara-ming ginagawang aktibidad.

Sa bawat dagdag na 30 minutong phy-sical activity kada araw ay tumataas ng limang porsyento ang tyansa na siya ay u-mabot ng 90.

Ang mga lalaki naman na mahigit sa 90 minuto ang aktibidad kada araw ay mas mataas ng 39 porsyento ang tyansa na umabot sa 90 kumpara sa mga ang aktibidad ay wala pang 30 minuto.

Sa mga babae naman ang paglagpas sa 60 minutong aktibidad kada araw ay hindi nangangahulugan na tumataas ang tyansa na sila ay u-mabot ng 90. Pero ang mga may average na 60 minuto ang aktibidad kada araw ay mataas ang tyansa na maka-90.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending