KUNG minsan may nararamdaman na tayo na akala natin ay normal lang kaya di natin pinapansin. Pero, alam ba ninyo na may masamang epekto ito sa ating kalusugan?
Narito ang ilang sintomas na di mo dapat dedmahin:
1. Pagbabago ng nunal
Ang nunal na hindi pantay-pantay ang gilid at hugis lalo na kung nagbago ang anyo nito ay dapat ipasuri agad sa doctor. Posibleng kanser sa balat o melanoma ito.
2. Namumula ang palad
Isang senyales ng sakit sa atay ang pamumula ng palad na kung tawagin ay palmar erythema. Magandang Makita ito ng doctor, baka may liver cirrhosis o kanser sa atay.
3. Nagbago ang ugali
Posibleng may kanser sa utak, kumbolsiyon o Alzheimer’s disease. May mga tumor din sa harapan o frontal lobe ng utak na ang unang sintomas ay ang pagbabago ng ugali.
4. Laging naiinitan, laging pinapawisan at kumakabog ang dibdib.
Ang mga ito ay sintomas ng goiter o hyperthyroidism. Kailangang ipasuri ang thyroid para magamot ito nang maaga dahil delikado ito kapag napabayaan.
5. Namamaos
Ang pangkaraniwang dahilan ng pamamaos ay ang sobrang pagkanta, pagtatalumpati o pagsigaw. Kapag hindi ito umigi ng dalawang linggo, kailangang magpasuri sa isang ENT specialist para ma-check ang iyong vocal cords.
6. Bukol sa katawan
Karamihan ng bukol sa katawan ay dahil sa lipoma o iyung taba lamang at hindi ito delikado. Subalit ang bukol na matatagpuan sa suso, thyroid at gilid ng baga ay bukol na dapat na ipa-check agad sa doktor.
7. Namamayat
Kung hindi ka nag-e-effort pumayat, may masamang senyales ang pamamayat mo. Kapag pumayat ng 10 pounds at hindi ka naman nagda-diet, magpa-check na agad sa doctor baka may sakit ka na hindi mo alam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.