No unhealthy food sa school canteen | Bandera

No unhealthy food sa school canteen

- March 18, 2019 - 08:00 AM

NASUBUKAN mo na bang bisitahin ang school canteen ng anak mo, at nakita mo ba kung anong klaseng mga pagkain ang ibinibenta roon?

O, katulad ka rin ng maraming magulang na bigay na lang nang bigay ng pera sa anak at hindi alam kung ano ang binibili nila.

Para sa mga public schools inilabas ng Department of Education ang Department Order no. 13, series of 2017 bilang regulasyon sa mga pagkain na maaaring ibenta sa canteen.

Hindi lang ang mga pagkain ang ni-regulate ng DepEd kundi maging ang mga inumin na mabibili sa canteen.

Ibinatay ng DepEd ang kanilang Order sa 8th National Nutrition Survey na nagsasabi na 29.1 porsyento ng mga batang edad lima hanggang 10 ay underweight, 29.9 porsyento ang mababa ang height sa edad, 8.6 porsyento ang kulang ang bigat sa kanyang taas, at 9.1 porsyento ang overweight sa kanyang taas.

Ang mga private schools naman ay hinihikayat na sumunod o gumawa ng mga kaparehong hakbang para mapangalagaan ang kalusu-gan ng kanilang mga mag-aaral.

Sa ilalim ng Order, ang mga school canteen ay hindi magbebenta ng pagkain at inumin na high in fat, sugar, at sodium.

Inilagay ng DepEd sa tatlong kategorya ang mga pagkain upang mas madaling makasunod ang mga eskuwelahan.

Green

Ang Green na mayaman sa nutrients, walang tatlong gramo ang saturated fat, walang transfat, ang sugar ay hindi lalagpas sa 10 gramo at ang sodium ay walang 120 mg.

Ang halimbawa nito ay gatas, tubig, buko juice, kanin, mais, nilagang mani, seafood, lean meat, itlog, sariwang prutas, oat meal, wheat bread, nilagang kamoteng kahoy o kamoteng ba-ging, suman, puto, isdam hipon, at manok na walang balat.

Yellow

Ang nasa Yellow category ay ang mga pagkain na nasa tatlo hanggang limang gramo ang saturated fat, walang trans fat, ang sugar content ay 10-20 gramo, at ang sodium content ay 120-200 mg.

Ang halimbawa nito ay fruit juice, fried rice, sandwich, processed food at stir-fried vegetables, tinapay, biskwit, banana cue, camote cue, turon, marua, pancake, waffles, champorado, pansit, at arroz caldo.

Red

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang Red category naman ay ang mga pagkain na lagpas sa 5 gramo ang saturated fats, may transfat, ang sugar ay lagpas sa 20 grams at ang sodium ay mahigit sa 200 mg.

Ang halimbawa nito ay softdrink, caffeinated drinks, ice cream/popcicle, cakes, pastries, fries, bacon, deep-fried food, canned at sweetened fruit, sports waters, sports drinks, flavoured mineral water, energy drinks, sweetened water, powdered juice drinks, inuming may kape, jelly, iced crush, iced candy, donut, sweetened biscuits, chocolate, candy, chewing gum, marshmallows, lollipops, yema, bicho-bicho, instant noodles, chichiria, fish ball, kikiam at mga katulad nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending