Bea may inamin kay Jericho nang malasing sa Star Magic Ball | Bandera

Bea may inamin kay Jericho nang malasing sa Star Magic Ball

Ervin Santiago |March 18,2019
facebook
share this

Bea may inamin kay Jericho nang malasing sa Star Magic Ball

Ervin Santiago - March 18, 2019 - 12:30 AM


PUMASOK sa mundo ng showbiz si Bea Alonzo dahil kay Jericho Rosales.

Inamin ng Kapamilya actress na isa si Echo sa mga dahilan kung bakit nagpursigi siyang tuparin ang pangarap niyang maging artista.

Talagang sinubaybayan daw niya ang teleserye nina Echo at Kristine Hermosa na Pangako Sa ‘Yo na umere sa ABS-CBN noong 2000.

Natanong si Bea sa Tonight With Boy Abunda kung sino ang crush niya noon sa showbiz, aniya, “Ako, si Jericho Rosales. Dati, kapag nanonood ako ng Pangako Sa ‘Yo, kasi di ko talaga pinalalampas ‘yun noon, kapag tinitingnan niya si Kristine Hermosa, naiisip ko ako ‘yung tinitingnan niya.

“Iniisip ko, one day, kapag nagka-boyfriend ako, ganyan niya ako titingnan,” pag-amin ng aktres.

Sunod na tanong sa kanya, kung alam ba ni Echo ba ni Echo ang feelings niya noon, “Isang beses, nag-Star Magic Ball, nalasing po ako at nasabi ko sa kanya. Sinabi ko, ‘Alam mo ba, Echo, isa ka sa mga dahilan bakit nag-artista ako.’

“And then hindi na ako makatingin sa kanya after. Until now, he knows,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending