Claudine binugbog ng lait sa socmed dahil kay Rico Yan | Bandera

Claudine binugbog ng lait sa socmed dahil kay Rico Yan

Cristy Fermin - March 18, 2019 - 12:20 AM


WALA nang ligtas ngayon dahil sa kapangyarihan ng social media. Kumaliwa at kumanan ang mga artista ay siguradong nakakahon na ang mga pamba-bash laban sa kanila.

Karamihan pa sa mga gumagawa ng ganu’n ay mga trolls, mga walang pagkakakilanlan, basta makapamuwisit lang. Walang kalaban-laban ang mga personalidad.

Bumalik sa nakaraan si Claudine Barretto. Kahit dekada nang namamayapa si Rico Yan ay natural lang na may iniwan pa ring lugar sa kanyang puso ang aktor dahil sa matagal nilang pagmamahalan.

Inalala niya si Rico, sinabi niya na hindi man sila magkasama ngayon ay mananatili ito sa kanyang puso at alaala, pero binasag ng mga bashers ang magandang intensiyon ni Claudine.

Kung paanong bumalik sa nakaraan si Claudine ay ganu’n din ang mga hindi nagandahan sa kanyang pag-alala sa namayapang aktor. Sinumbatan siya dahil nu’ng mamatay si Rico ay lumalabas na magkarelayon na sila ni Raymart Santiago.

Hanggang sa pagtanaw lang nang malayuan ang magagawa natin, walang nakakaalam kung ano talaga ang naganap kina Rico at Claudine, pero hindi ba naman nakatutuwang damahin na maraming taon man ang lumipas ay may espasyo pa rin sa buhay ni Claudine Barretto si Rico Yan?

Ipagdadamot pa ba natin ‘yun sa isang taong hindi nakalilimot sa kanyang minahal at nagmahal din sa kanya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending