Bakit ayaw na ayaw bumalik ni Chokoleit sa Davao? | Bandera

Bakit ayaw na ayaw bumalik ni Chokoleit sa Davao?

- March 18, 2019 - 12:10 AM

Dinagsa ng mga kaanak, kaibigan at ilang kasamahan sa showbiz ang burol ni Chokoleit sa Davao City.

Last Friday dumating sa Cosmopolitan Memorial Chapel ang labi ng komedyante na pumanaw sa edad na 48 dahil sa heart attack.

Tubong Davao si Chokoleit o Jonathan Aguilar Garcia sa tunay na buhay. Sa panayam ng ABS-CBN sa kaibigan ni Chokoleit na si Allan Tiongson, kapag nasa Davao ang komedyante, sinisiguro nito na nagkikita-kita silang magkakaibigan.

“The last time na nagkita kami ni Chokoleit noong pagkamatay ng kanyang mother, that was a year ago. Sabi niya, ayaw niya bumalik sa Davao kasi nasasaktan siya sa memories ng kanyang mother,” sabi ni Allan.

Dumaan din sa lamay si Bayani Agbayani mula sa PDP-Laban rally sa Crocodile Park sa Davao. Sa kanyang eulogy, naikuwento ng Kapamilya comedian ang huling chikahan nila ni Chokie.

“Last na nakausap ko siya, lumapit siya sa akin tapos may binulong siya. Sabi niya, ‘Yani tuwang-tuwa ako kasi nakikita uli kita sa TV. Ang galing-galing mo sa, I Can See Your Voice. Sabi niya, galingan ko pa para magtuloy-tuloy na ang TV ko lagi,” pahayag ni Bayani.

Nagpasalamat din ang pamilya ni Chokoleit sa lahat ng tumulong at nagbigay ng pagmamahal sa pumanaw na comedian

Kahapon nagkaroon ng misa sa lamay na sinundan ng cremation ng labi ni Chokoleit at libing.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending