Buking: Bagitong male celeb matagal nang pahada sa beki
KINONTRA ng isang impormante ang kuwento na ngayon pa lang nakipagrelasyon sa isang becki ang isang bagitong male TV personality. Walang-wala kunong katotohanan ‘yun.
May lumutang kasing kuwento na bago nakipagmabutihan sa male personality ang sikat na becki ay ipina-character background niya muna ito. Positibo ang nakalap na impormasyon ng mga pinagtanong niya, ito ang unang pakikipagrelasyon sa becki ng lalaki, kaya maligaya siyempre ang sikat na bayot.
Marami na raw tinatanggap na alok ang male personality para makipagrelasyon sa becki, pero palaging bigo ang mga nagtatangka, maprinsipyo kuno ang bagitong lalaking personalidad.
Kuwento ng aming source, “‘Yun ang kuwento! Kiyemeng hindi kuno nakikipagrelasyon sa becki ang male personality kahit pa gustung-gusto niyang iahon sa kahirapan ang family nila.
“Nagpapakahirap daw sa pagtatrabaho ang guy, kahit pabarya-barya lang, e, pinapatulan niya ang pagmomodelo, dahil iniiwasan nga niyang magpahawak sa becki na kung anu-ano ang mga ipinangangakong ibibigay sa kanya!
“Natural, nang makarating ang mga info sa sikat na becki, e, napakasaya niya! Sa kanya lang daw pala bumigay ang male personality, talaga raw palang mahal na mahal siya ng guy!” simulang kuwento ng aming source.
Kaso, isang becki ring malabiga ang dila ang dumaot sa kuwento, hindi raw totoo ‘yun dahil may mga nakarelasyon nang becki nu’n pa ang male personality.
Patuloy ng aming source, “Soplak kaagad ang bagitong male personality, gawa-gawa lang daw ang mga kuwento tungkol sa kanya, dahil kaibigan ng becki ang kanyang ex.
“Ang pinakahuli kunong nakarelasyong becki ng guy, e, kaibigan mismo ng source, kaya paano nila sasabihing ngayon pa lang nakipagrelasyon ang male TV personality sa becki?
“Drama lang kuno ‘yun ng kampo ng male TV personality, hindi totoong ngayon pa lang siya papasok sa pakikipagrelasyon sa becki, dati na kuno niyang ginagawa ang ganyan!
Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kilalang-kilala n’yo na kung sinu-sino ang mga bumibida sa istoryang ito, di ba? Ayun!” pagtatapos ng aming impormante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.