Karla ‘dinalaw’ ni Chokoleit: Lumingon siya sa akin | Bandera

Karla ‘dinalaw’ ni Chokoleit: Lumingon siya sa akin

|March 17,2019
facebook
share this

Karla ‘dinalaw’ ni Chokoleit: Lumingon siya sa akin

- March 17, 2019 - 12:05 AM

DINALAW ni Chokoleit ang TV host-actress na si Karla Estrada.

Ito’y sa pamamagitan daw ng pagpapakita ng stand-up comedian sa kanyang panaginip.

“In fact, kahapon ng madaling araw nagpakita siya sa akin sa panaginip. Nakaupo silang apat, lumingon siya. Siguro sinasabi niya, ‘Momshie Karls, hindi ka pa pumupunta.’

“Pero talagang naka-schedule ako kahapon. Pero nakakatuwa na nagpakita siya sa akin sa panaginip,” kuwento ni Karla sa nakaraang episode ng Magandag Buhay na pa-tribute nila sa pumanaw ng komedyante.

“So may ganu’n, mga kaibigan, na minsan hindi mo naman lagi nakakasama pero sa puso nila ay mahalaga ka,” saad pa ng nanay ni Daniel Padilla.

Naikuwento rin ni Karla ang hindi niya malilimutang alaala patungkol kay Chokie.

“Kaibigan ko si Chokoleit, mga 1993 pa. So nagkikita kami sa comedy bars hanggang sa maging artista. In fact, ‘yung first time naming makarating mag-ina, kami ni Daniel, five years ago sa Amerika, siya ang kasama namin na nag-perform. Siya ang front act ni Daniel.

“Talagang grabe ang kuwentuhan namin na parang, ‘Di ba dati, Day, nagkukuwentuhan lang tayo. Ngayon nandito na tayo sa Amerika,’” balik-tanaw ng TV host.

Pumanaw si Chokoleit noong Sabado dahil sa atake sa puso at pulmonary edema. Huli siyang nakapag-perform sa Abra kung saan kitang-kita na nahihirapan na siyang huminga pero pinilit pa rin niyang mag-show para sa mga taga-Abra.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending