Horoscope, March 17, 2019 | Bandera

Horoscope, March 17, 2019

Madam Sophia - March 17, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Katulad ng hindi maipintang panahon, “kulimlim na maaraw, may ambon na mainit” ganon din ang iyong isipan sa ngayon medyo magulo. Pero sa kabila ng kaguluhang ito, may malaki at biglaang suwerteng matatanggap.Wag ka ng magdalawang isip pa, sunggaban mo agad! Mapalad ang 6, 19, 28, 27, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Green at yellow ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) – Sa pinansyal, dumalo sa mga gawaing pampolitikal at pang lipunan doon ka magkakapera. Sa pag-ibig, isang Sagittarius ang lihim na may pagnanasa sa iyo, wag ka ng umiwas pa, isang nakakikilig na relasyon ang mabubuo. Mapalad ang 3, 18, 21, 24, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Name-Narada-Name-Nirayana”. Pink at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) – Sa pinansyal, wag kang umasa sa puhunan na hindi naman sa iyo. Dumiskarte ng sariling pagkakakitaan. Sa pag-ibig, wag iasa sa iba ang kaligayahan ng iyong kasuyo. Mapalad ang 6, 3, 22, 28, 33 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare-Rama.” Lilac at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) – Wag pansinin ang mga nangyayari sa iyong kapaligiran. Sa pinansiyal, ipagpatuloy ang pagko-concentrate sa gawaing pagkakaperahan. Sa pag-ibig, impluwensiyahan na rin ang kasuyo na maging mukhang salapi. Mapalad ang 5, 17, 19, 27, 35 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Pad-Me-Om.” Gry at gold ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) – Ngayon pa lang umpisahan mo ng i-practice ang diwa ng Holy Week. Magtago muna sa isang tahimik at malapit sa nature na lugar. Sa ganyang paraan, kusa ng mawawala ang lahat ng iyong problema at magkakaroon ka ng peace of mind. Mapalad ang 2, 7, 16, 27, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga!” Green at white ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) – Upang hindi ka mahirapan sa kasalukuyang sitwasyon pabayaan mo lang na mangyari ang lahat ng iyan. Sabi nga, “Just go with the flow.” Sa ganyang paraan liligaya ka. Mapalad ang 1, 10, 28, 32, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Salva-Me-Om.” Red at purple ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) – Sa pag-ibig, upang magtagumpay mas mahalaga na sabihin mo ang iyong nararamdaman kaysa sa kung anu-ano ang iniisip mo. Sa pinansyal, ay ganon din, sa puso mo tirahin ang iyong prospect. Mapalad ang 5, 18, 22, 32, 39 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Om-Purana-Om-Padma.” White at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) – Sa pinansiyal, higit na kikita ng malaking halaga kung uutuin ang kliyente sa pamamagitan ng matatamis na salita. Sa pag-ibig, mamayang hapon, uwian ang kasuyo ng pagkaing, masarap, matamis at malamig. Mapalad ang 6, 9, 27, 39, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Kada-Bra!” Purple at maroon ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) – Sa tulong ng isang kaibigang Sagittarius, may magandang kapalarang makakamit. Sa pinansiyal, isang Sagittarius din ang lulutas ng iyong prolema. Sa pag-ibig, aalialigid ang isang Aries na noon pa may pagnanasa sa iyo. Mapalad ang 6, 14, 25, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Red at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) – Hindi fairy tale ang buhay, kaya wag umasa sa biglang suwerte at sa mga napapanood na telenobela sa mga telebisyon. Sa pinansiyal, kailangang magtrabaho upang magkapera at sa pag-ibig, kailangang magmahal upang mahalin ka rin. Mapalad ang 3, 9, 29, 34, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Vendurya-Tagata-Om.” Magenta at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) – Disiplina ang magpapaunlad at magpapaligaya sa relasyon. Wag abusuhin ang katawan sa mga gawaing wala namang kabuluhan. Hahaba ang buhay kung iingatan ang kalusagan habang patuloy na nagmagmamahal. Mapalad ang 7, 17, 29, 34, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Minna-Om-Galla.” Green at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) – Isa-isang babalik sa alaala ang mga nakaraan. Hindi ka dapat ma-alarma, ito ay nagsisilbing paalaala lamang ng unconscious self na ang nakaraang pagkakamali ay hindi mo na dapat pang ulit-uliting gawin sa ngayon. Mapalad ang 4, 19, 20, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om-Bodhana.” Violet at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) – Sa pinansyal, wag pang hinayangan ang nakaraang mga pagkalugi. Sa iyong mga pagkamamali, matututo ka ng magkuripot hanggang sa yumaman ka na rin. Sa pag-ibig, matapos ang tampuhan, bati na naman kayo ng kasuyong sumpungin. Mapalad ang 2, 7, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Gray at gold ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending