Baguio City mapapalaban sa 2019 Batang Pinoy Luzon qualifying leg
MATINDING hamon ang haharapin ng kasalukuyang national titlist at defending leg champion Baguio City mula sa mga karibal na local government units sa pagsasagawa ng 2019 Philippine National Youth Games-Batang Pinoy Luzon Qualifying Leg na magbubukas ngayong Linggo ng hapon sa City of Ilagan Sports Complex sa City of Ilagan, Isabela.
Huling itinala ng madalas magkampeon na Baguio City ang pagsungkit ng korona noong 2017 Luzon leg na ginanap sa Vigan City, Ilocos Sur matapos nitong talunin ang pumangalawa na Laguna Province, ikatlo ang Pangasinan, ikaapat na San Jose City at ang pumanglima na Dasmariñas City.
Umaabot sa 500 atleta ang ipinadala ng tinaguriang Summer Capital of the Philippines sa pagnanais na masungkit ang titulo sa ikatlo at huling qualifying leg ng isa sa pangunahing grassroots sports development program ng bansa matapos ang unang ginanap na Mindanao at Visayas leg.
Ang magwawagi sa torneo na inoorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) na patuloy ang paghahanap sa susunod na henerasyon ng mga bagong talento sa Norte ay magkukuwalipika sa National Championships na gaganapin sa Tagbilaran City, Bohol o sa Ormoc City, Leyte.
Umabot sa mahigit 6,000 in at out-of-school youth athletes na edad 15-anyos pababa mula sa 119 local government units kabilang ang mga representante mula sa mga lungsod na parte sa National Capital Region ang dadalo sa isasagawa na tradisyunal na parads ng lahat ng mga opsiyales at kalahok.
Dagdag interes sa Luzon Leg ang bilang ng kasali na pinantayan ang pinagsamang kabuuang sumali sa delegasyon na lumahok sa Tagum, Davao del Norte at Iloilo City.
Pamumunuan ni PSC commissioner Ramon Fernandez ang aktibidad sa pagbibigay ng welcome remarks sa pagrepresenta kay PSC Chairman William “Butch” Ramirez, na napilitang iwanan ang torneo sa huling minuto dahil sa mabigat na responsibilidad na kailangang ayusin sa Maynila.
Makakasama ni Fernandez ang kapwa commissioner na sina Charles Maxey at Celia Kiram at ang host Ilagan City Mayor Evelyn Diaz pati na si Isabela Gov. Faustino Dy III.
Inihayag ni Fernandez na hindi sila titigil sa paghahanap ng mga talento kahit na sa pinakaliblib na lugar sa bansa para bigyan ang lahat ng mga kabataan ng pagkakataon na mapaangat ang sarili at mapabilang sa mga atleta ng bansa na kayang magbigay ng gintong medalya sa mga internasyonal na torneo tulad ng Southeast Asian Games, Asian Games at Olympics.
“We saw some athletes with potentials in the Mindanao and Visayas legs and we hope to discover more here in Luzon,” sabi ni Fernandez.
May kabuuang 1,260 medalya na binubuo ng 420 ginto, 420 pilak at 420 tanso ang nakataya sa kabuuang 20 sports na paglalabanan kabilang ang centerpiece athletics na sisimulan sa Miyerkules at medal-rich swimming na agad naman sasambulat Lunes sa bagong gawa na pool sa City of Ilagan Sports Complex.
“We saw some athletes with potentials in the Mindanao and Visayas legs and we hope to discover more here in Luzon,” sabi pa ni Fernandez.
Kabuuang 1,260 medalya na binubuo ng 420 ginto, 420 pilak at 420 tanso ang nakataya sa kabuuang 20 sports na paglalabanan kabilang ang centerpiece athletics na sisimulan sa Miyerkules at medal-rich swimming na agad naman sasambulat Lunes sa bagong gawa na pool sa City of Ilagan Sports Complex.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.