Bayani leading man na ni Gelli: 50 na po ako, puwede na akong magpaka-daring
KUNG kailan tumungtong ng 50 years old si Bayani Agbayani ay saka siya nabigyan ng pagkakataon na maging leading man sa isang romcom movie.
Ang tinutukoy namin ay ang pelikula nila ni Gelli de Belen na “Pansamantagal” na mapapanood na sa March 20 sa mga sinehan nationwide, sa direksyon ni Joven Tan.
In fairness, nag-viral agad ang trailer ng pelikula ilang oras pa lang matapos itong ma-upload sa YouTube at social media. Nakakaloka naman kasi ang mga eksenang ipinakita sa teaser na kinunan pa sa isang beach resort sa Bolinao, Pangasinan, lalo na ‘yung magkasama sila sa isang beach resort at isinisigaw ang salitang “supot” at “maliit ang ti**!”
Sa nakaraang presscon ng “Pansamantagal”, sinabi ni Bayani na pumayag siyang gawin ang pelikula dahil gandang-ganda siya sa istorya nito. Nu’ng binabasa pa lang niya ang script na-in love na siya agad sa materyal.
“Kinausap kami ni Direk Joven isa’t isa, lalo na kami ni Gelli. Noong hindi ko pa nakikita ang script, kinausap ko pa noon si Direk sa telepono, sinabi niya sa akin na medyo ano ‘to ha, wala yung pagka-wholesome mo na gusto mong mangyari.
“Noong makita ko ang script, sabi ko, 50 na naman ako, it’s about time na gumawa ako ng mga daring roles. Hindi physically, kahit man lang verbally at saka sa istorya. Sabi ko, kaya ko naman ‘tong bitawan na hindi offensive. Kasi, nakikita ko naman sa gatherings na kapag nagbitaw ako ng medyo bastos, natatanggap nila,” unang kuwento ni Yani.
Hindi nga raw sila makapaniwala sa napakainit na pagtanggap ng madlang pipol sa trailer ng movie na nakakuha na ng mahigit 8 million views.
“Pati yung kay Gelli, tinanggap nila. Kasi, alam n’yo, merong itsura ang tao na alam nila na hindi ka naman ganu’n kahit sabihin mo yung mga ganu’ng salita, tinatanggap nila. Alam din nila kapag hindi mo sinabi at alam din nila kung bastos ka talaga. Alam nila yun,” hirit pa ni Bayani.
Sa trailer ng movie, tinanong ng karakter ni Gelli si Bayani ng, “Malaki din ba ang t*t* mo?” Kaya natanong ang komedyante kung sa tunay na buhay ba ay may naglakas-loob na rin bang magtanong kung malaki ang kargada niya?
“Wala naman. Pero ngayon, marami na ang nagtatanong. Pati sa mga threads-threads, sabi nila, ‘malaki ba talaga?’ Sabi ko, kayo naman, ano lang ‘yan…” natatawang sagot ni Yani.
Very positive sina Gelli at Yani na magugustuhan ng manonood ang kanilang pelikula dahil bukod sa makatotohanan ang mga eksena nila, nangyayari talaga sa tunay na buhay ang kuwento ng kanilang mga karakter.
Para naman kay Gelli, walang pag-aalinlangan niyang tinanggap ang movie dahil na-in love rin siya sa kuwento.
“Nagustuhan ko talaga ang script when it was offered to me. Tinanggap ko siya because gusto ko,” aniya. Feeling ng misis ni Ariel Rivera, maraming makaka-relate sa mga “bastos” na dialogue niya sa pelikula.
“I think, hindi namin siya ibinato o ginawa o sinabi sa movie para lang mang-ano…may dahilan kung bakit namin nasabi ‘yun and I think maiintindihan naman ‘yan ng mga anak ko dahil malalaki na sila at nagpaalam din ako sa asawa ko,” pahayag ni Gelli.
Ang “Pansamantagal” ay mula sa Horseshoe Studios and released by Reality Entertainment. Kasama rin dito si DJ Chacha ng MOR na talaga namang agaw-eksena sa movie. Siya ang gaganap na dalahira at epal na sidekick ni Gelli.
Showing na ito sa March 20 kaya, watch na!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.