TNT KaTropa dinurog ang Alaska Aces

March 15,2019
share this

TNT KaTropa dinurog ang Alaska Aces

March 15,2019
share this

 

Laro Sabado (Marso 16)
(Panabo City)
5 p.m. San Miguel Beer vs Phoenix Pulse

NAHABLOT ng TNT KaTropa ang ikaanim na panalo matapos ilampaso ang Alaska Aces sa kanilang 2019 PBA Philippine Cup elimination round game Biyernes sa Cuneta Astrodome, Pasay City.

Pinamunuan ni Roger Pogoy ang opensa ng TNT sa kinamadang 24 puntos habang nagdagdag si Troy Rosario ng 15 puntos para sa KaTropa na umangat sa 6-3 karta at nakakuha ng 40 puntos mula sa kanilang bench players.

Nanguna naman para sa Aces si Carl Bryan Cruz na gumawa ng 19 puntos.

Nag-ambag si Sonny Thoss ng 13 puntos habang sina Chris Banchero at Simon Enciso ay kumana ng tig-12 puntos para sa Alaska na nalaglag sa 3-5 kartada.

Samantala, pipilitin ng Phoenix Pulse Fuel Masters na makubra ng ikasiyam na panalo sa pagsagupa nito sa San Miguel Beermen sa Panabo City Multi-Purpose Tourism, Sports and Cultural Center sa Panabo City, Davao del Norte ngayong Sabado.

Habol ng Fuel Masters na tuluyang maselyuhan ang puwesto sa top two na may twice-to-beat advantage sa quarterfinals sa paghaharap nila ng Beermen na hangad naman ang ikapitong panalo sa 10 laro.

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending