Araw ng Dabaw Chess Festival susulong na

March 15,2019
share this

Araw ng Dabaw Chess Festival susulong na

March 15,2019
share this

MATINDING labanan ang inaasahan sa pagsulong ng 2019 Araw ng Dabaw Chess Festival ngayong Sabado, Marso 16, sa Gaisano Grand Citigate Mall sa Davao City.

Kabilang sa mga kasali si 2018 Asian Para Games double gold medalist Henry Roger Lopez ng Panabo City, National Master Cedric Magno, Jayson Salubre at Jay Bulicatin ng Panabo City, NM Alexander Lupian ng Davao del Norte at Johnnel Balquin ng Cagayan de Oro City.

Kalahok din sina NM Macacuna Macala, NM Jonathan Tan, Reynaldo Quinonez at Harrison Maamo ng Davao City.

Inaasahan naman ni Chief Arbiter Joseph Gener “Jojo” Palero na aabot sa 250 hanggang 300 katao ang lalahok sa four-division (Open blitz, rapid, standard at age-group) na torneong may pahintulot ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) at suportado ng Davao City local government at Philippine Sports Commission (PSC).

Ayon naman kay tournament director International Arbiter James Infiesto gaganapin ang Open rapid category sa Marso 16 hanggang 17 na susundan naman ng Open blitz sa Marso 17. Ang Open standard ay nakatakdang ganapin sa Marso 18 hanggang 22 habang ang age group standard competition ay sa Marso 16 hanggang 18.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending