Taguig RTC nag-isyu na ng warrant of arrest laban kay Falcis

March 15,2019
share this

Taguig RTC nag-isyu na ng warrant of arrest laban kay Falcis

March 15,2019
share this

KRIS AQUINO AT NICKO FALCIS

IPINAG-UTOS ng Taguig City Regional Trial Court Branch 70 ang pag-aresto sa dating business associate ni Kris Aquino na si Nicko Falcis sa bisa ng isang warrant of arrest.

Ito’y matapos maglabas ng rekomendasyon ang Taguig City Fiscal na iakyat sa Estafa at Credit Card Fraud ang kasong Qualified Theft na isinampa ni Kris laban kay Falcis.

Narito ang official statement ng kampo ni Kris sa pamamagitan ng kanyang legal team na Fortun, Narvasa, Salazar tungkol sa pag-usad ng kaso.

“Immediately upon issuance of the Resolution of the Office of the City Prosecutor of Taguig City recommending the indictment of Mr. Nicko Falcis of the crimes of estafa and violation of the Access Device Law (Republic Act No 8484), a warrant of arrest was issued by Branch 70 of  the Taguig City Regional Trial Court.

“The arrest warrant was served upon Mr. Falcis at his given address in Quezon City, which he claimed in his sworn counter-affidavit as his residential address. When the police arrived, he was not there, and his family and his brother claimed to not know his whereabouts. He continues to be at large as of today.”

Samantala, wala pang ibinibigay na pahayag si Kris sa pag-isyu ng warrant of arrest laban sa dating business partner sa kanyang KCA Productions.

Bukas din ang BANDERA sa magiging pahayag ng kampo ni Falcis hinggil sa kasong ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending