Arjo nagpaalam kay Maine bago gawin ang maseselang eksena
“I’M very grateful to be part of this project,” ang simulang pagpapakilala ng indie actress na si Chanel Latorre sa ginanap na presscon ng bagong digital action series ng iWant, ang Bagman.
“It is a very daring leap from the traditional stories that we usually make and a lot of things that you’ll learn from here, please be part ot it.
“I’m playing Samantha here, the wife of the Bagman, si Arjo Atayde who plays Benjo Malaya. She’s a very loving human being. Loving to the extent papayagan ba niya ‘yung asawa niya sa criminal activities or hindi,” pagpapatuloy na kuwento ni Chanel.
Ayon sa mga taong nasa likod ng Bagman, sobrang madugo ang kuwento nito na isinulat at idinirek ni Shugo Praico para iWant produced ng Dreamscape Entertainment at Rein Entertainment.
“Yes, sobrang bloody at in your face ang mga pangyayari. Naniniwala ako na ang mga concept na ginagawa ng iWant, pati na rin ang proseso ng paggawa ng projects ay maihahalintulad sa mga international productions,” pahayag pa ng actress na unang nakilala sa mga indie movies.
Tulad din ng sinabi nina direk Lino Cayetano, Phillip King at Direk Shugo, posible raw mapansin ang Bagman sa international market kaya kung puwede nga lang daw nilang papirmahin ng kontrata ang cast ay gagawin nila.
Sang-ayon naman dito si Chanel, “Malaki ang potential ng iWant at sana, tulad ng Netflix ay mapapanood din ito sa buong mundo. Magandang platform ito to show Filipino ingenuity, innovation and talent.”
May kilig ang pagkukuwento ni Chanel nang malaman niyang si Arjo ang makakasama niya sa serye dahil gusto raw ng nanay niya ang aktor.
“‘Yung mom ko kasi nanonood talaga siya ng mga teleserye and when Arjo was starting out as an actor, my mom told me, ‘this kid will make it big someday, I hope you’re going to work with him.’ So nu’ng nakita ko si Arjo na pumasok (sa storycon), grabe lang (kinilig).
“Then I told my mom, ‘oh my God, mom you I can’t believe it, makakatrabaho ko si Arjo.’ And she was really shock and excited to do that. Mahusay talaga si Arjo, wala akong masabi,” papuri ng dalaga sa aktor.
Sabi pa ng aktres, “Dream come true po talaga at hindi ko ini-expect sa buong buhay ko na maging leading lady niya. Sobrang surreal pa rin. Ha-hahaha! Matagal nang hinahangaan ng buong pamilya ko ang talento ni Arjo. Sa lahat ng mga ka-age ko na actors, siya talaga ang gusto kong maka-work.
“He just seems to improve with every project. Hindi ako masu-surprise kung bakit na in love ang girlfriend (Maine Mendoza) niya sa kanya. Aside from being great at what he does as an actor, he is a good person. I mean, genuinely good and not just artista good,” dagdag pa ni Chanel.
At dahil free TV naman ang iWant kaya mapangahas ang script ni direk Shugo at dahil mag-asawa ang papel nina Arjo at Chanel ay may love scene ba sila?
“I can say na watching Arjo’s career, maaaring ito ang pinaka-daring niya na role. So panoorin na lang natin. Ha-hahaha!” tumawang sagot ng aktres.
Sa tanong kung delicious na si Arjo, “Patawad po, pero talagang sinuwerte akong maging misis ni Arjo sa Bagman. Sure ako na delicious si Arjo at sobra-sobrang suwerte po ni Maine kung totoo ang bali-balita na sila na nga! Ha-hahaha!” humahalakhak na sabi ni Chanel.
Kaya pala nang tanungin si Arjo sa question and answer segment ng Bagman kung ipinaalam niya kay Maine ang karakter niya sa serye ay napangiti muna ang aktor sabay umoo.
Hindi lang naman si Chanel ang nagsabing delicious si Arjo, may mga naririnig na rin kami noong nagsisimula pa lang siya.
Anyway, mapapanood na ang three-drops ng Bagman sa March 20 (6 episodes); March 27 (3 episodes) at April 3 (3 episodes) mula sa Dreamscape Digital at Rein Entertainment sa iWant gamit ang iOS o Android apps o sa web browser sa iwant.ph.
Mas maraming manonood na rin ang makakapag-enjoy sa latest offerings ng iWant dahil maaari na itong i-connect sa TV gamit ang Chromecast at Apple Airplay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.