Sandara Park ibinandera ang ‘national chocolate’ ng Pinas sa Paris Fashion Week

By Ervin Santiago March 15,2019
share this

Sandara Park ibinandera ang ‘national chocolate’ ng Pinas sa Paris Fashion Week

By Ervin Santiago March 15,2019
share this

SANDARA PARK

Aliw na aliw ang mga Filipino fans ng Korean star na si Sandara Park nang ibandera nito sa buong universe kung ano ang favorite Pinoy snack niya na talagang baon-baon niya sa 2019 Paris Fashion Week sa France.

Ipinalabas sa Elle Korea ang isang eksena sa nasabing fashion event kung saan kumakain si Dara ng chocnut na aniya’y “national chocolate” ng Pilipinas.

Talagang pinag-usapan ito sa social media kasabay ng papuri kay Sandara dahil hindi pa rin nito nakakalimutan ang Pilipinas kahit sikat na sikat na sa buong Asia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending