Migo Adecer kinakarir ang pagiging hunk, game ‘magpasilip’
TIKOM ang bibig ng Kapuso actor na si Migo Adecer pagdating sa kanyang pakikipagrelasyon.
Hangga’t maaari ay gusto niyang gawing pribado ngayon ang tungkol sa kanyang lovelife.
“For safety lang. Last time, it went public. It got messy! Ha! Ha! Ha!” saad ni Migo nang makausap namin at iba pang members ng press bago magsima ang presscon para sa bago niyang Kapuso series na Sahaya.
Sa mga Instagram posts ni Migo, nagpapalaki siya ng katawan sa tulong ng trainer niyang si Gov Lloyd.
“It’s been a year that I am going to the gym but it’s only straight three months na todo gym ako,” sey niya.
Magpapakita ba siya ng skin sa Sahaya kaya kinakarir niya ang pagpapaganda ng kanyang katawan?
“Siyempre, kasi beach scenes. A lot of swimming and the show has a lot of water din. For sure, may scenes na shirtless ako rito,” sagot ni Migo.
Anyway, sabi namin maiko-consider niyang biggest project ang Sahaya?
“I guess, in terms of role, yes. This is my biggest project but same pa rin. Taking it step by step para it doesn’t overwhelm me,” sabi ng binata.
Okey lang ba na maging third wheel siya sa loveteam nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix?
“Actually, ‘yun ang concern ko. I wanna see if they gonna allow Jordan (his character sa series) or they gonna perceive him as a bad guy. ‘Yun din ang one of my concerns.
“But either way, if they give me the bad guy role, sakto lang. If they gonna give the kontrabida, I’m gonna explore that,” rason ni Migo.
Feeling namin, bagay naman kay Migo ang maging kontrabida at magpaseksi kahit na sweet at wholesome ang kanyang itsura. Kumbaga, ‘yun ang magiging matinding challenge sa kanya.
And it’s about time na mapansin na siya ng mga manonood bilang isa sa most promising young actors ngayon dahil hindi lang siya gwapo at matangkad, meron din siyang talent sa acting na wala sa ibang kasabayan niya, huh!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.