Gabby idinemanda ng kapatid, titulo ng lote na pag-aari ng ina ‘pineke’ raw

By Cristy Fermin March 13,2019
share this

Gabby idinemanda ng kapatid, titulo ng lote na pag-aari ng ina ‘pineke’ raw

By Cristy Fermin March 13,2019
share this


MISMONG nakababatang kapatid ni Gabby Concepcion ang nagdemanda sa kanya tungkol sa isang lote sa P. Guevarra, San Juan na diumano’y naipalipat ng aktor sa kanyang pangalan nang walang pirma ang kanilang inang nasa Amerika.

Matagal na raw gustong makausap ni Miguel ang kanyang kuya, pero hindi sinasagot ni Gabby ang kanyang mga tawag, kaya nagdesisyon itong sampahan na siya ng kasong falsification of public document.

Ayon sa lumabas na report ay nailipat ni Gabby ang lupa sa kanyang pangalan pero imposibleng pumirma ang kanyang ina sa mga dokumento dahil nasa Amerika nga ito.

Binili raw niya ‘yun sa mommy niya pero napakababa ng pagkabili sa loteng kung ibebenta ngayon ay triple na ang halaga sa pagkabili ng aktor.

Sa Amerika na naninirahan-nagtatrabaho ang mga kapatid ni Gabby, nandu’n din ang kanilang inang si Mommy Baby, kauuwi lang sa Pilipinas ni Miguel na nag-check sa mga propyedad ng kanilang pamilya.

Si Gabby ang panganay sa kanilang magkakapatid, nu’ng kasagsagan ng kanyang popularidad ay sinubukan ding mag-artista nina Mike at Martin, hanggang sa Amerika na nga nanirahan ang mga ito.

Kung paano at bakit nailipat ni Gabby sa kanyang pangalan ang naturang property nang hindi naman pumipirma ang kanilang ina ang kailangang depensahan ngayon ng aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending