Alden, Maine pinatunayang may ‘magic’ pa rin ang AlDub | Bandera

Alden, Maine pinatunayang may ‘magic’ pa rin ang AlDub

Jun Nardo |March 12,2019
facebook
share this

Alden, Maine pinatunayang may ‘magic’ pa rin ang AlDub

Jun Nardo - March 12, 2019 - 12:20 AM

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

NA-MISS ng AlDub Nation ang lambingan ng mga idolo nilang sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Bukod sa pagtutok sa guesting ni Alden sa Kapuso sitcom na Daddy’s Gurl last Saturday, todo tweet din sila about the program kaya umabot ito sa halos 400,000, huh!

Hanggang kahapon, may hangover pa ang AlDub fans matapos mapanood ang nasabing DG episode dahil nanguna muli sa trending topics sa Twitter ang hashtag nilang #ADNWalangKupas.

Nandoon pa rin kasi ang kilig na hatid nina Meng at Alden sa bawat eksenang magkasama sila. Parang wala namang nagbago sa AlDub loveteam kahit na nga may Arjo Atayde ang Dubsmash Queen.

Basta ang mahalaga, pinagbigyan nina Alden at Maine ang kanilang fans na magsama ulu sa isang project bukod sa paglabas nila sa Eat Bulaga.

Pero tila hindi lang nu’ng Sabado ang guesting ni Alden sa sitcom, huh! Kasi sa last part ng episode, after ng bloopers ay hindi pa masyadong na-exploit ang pagkikita ng characters nina Meng at Alden, huh!

Abangers pa more ADN at ipadama ninyong buhay na buhay pa rin ang AlDub loveteam but this time, bilang sina Stacy at Aldrich na.

At dahil nga sa tagumpay ng Gaddy’s Gurl episode last Saturday, baka naman maisipan na ng GMA na bigyan uli sila ng teleserye together. Anyare na kaya sa Pinoy version ng Descendants Of The Sun?

Hindi ba’t may balita noon na baka raw sina Alden at Maine ang magbida sa remake ng nasabing hit Korean series. Abangers na lang din tayo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending