Ogie kontra sa banat ni Tulfo laban sa mga OFW: Basta ako saludo po sa sakripisyo nila
BINIGYANG-HALAGA ni Ogie Alcasid ang manggagawang Pinoy sa isang tweet. Kamakailan lang ay nagpahayag si Mon Tulfo sa isang tweet nu’ng Sabado na, “To the Filipino construction workers: Why should I apologize to you for telling the truth that you’re basically lazy and slowpoke? Does truth hurt?”
Isang labor group kasi ang nagsabi sa kanya na mag-apologize at i-retract ang naunang statement na mas gusto ng employers ang Chinese kesa sa mga Filipino dahil mas nagtatrabaho sila nang todo.
Basta para kay Ogie, “I just have to say that I have the highest respect for the Filipino workers. I have met so many OFWs in my travels as a concert performer and of course our local workers and I applaud their dedication to their work and salute them for the extreme sacrifices they make.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.