Anak nilason, lalaki nag-suicide | Bandera

Anak nilason, lalaki nag-suicide

John Roson |March 11,2019
facebook
share this

Anak nilason, lalaki nag-suicide

John Roson - March 11, 2019 - 08:04 PM

NASAWI ang 4-anyos na batang lalaki matapos umanong lasunin ng kanyang ama, na kinalauna’y nagpakamatay naman sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili, sa kanilang apartment unit sa Tondo, Maynila, Lunes.

Nadiskubre na lang ng mga kaanak ang labi nina Rhandyl Cruz, 43, at anak nitong si Zian Paolo, sa kanilang silid sa apartment na nasa Sandico st., Brgy. 38, dakong alas-11, ayon sa ulat ng Manila Police District.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na bago ang insidente’y pinaghinalaan ni Rhandyl ang 37-anyos na asawa na may kinakasamang ibang lalaki.

Dahil dito’y binantaan umano ni Rhandyl ang misis na papatayin ang kanilang anak.

Doon na umano niya nilason ang paslit, at pagkatapos ay pinagsasaksak ng kutsilyo ang sariling katawan.

Nadiskubre lang ang insidente nang magtungo sa apartment ang ilang kaanak na susundo sana sa bata.

Natagpuan sa pinangyarihan ang 12-pulgadang kutsilyo, isang hinihinalang suicide note, at bote ng muriatic acid.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending