Mang Ramon nagdiwang ng ika-92 kaarawan kasama ang mga anak: Umiwas sa politika
NAGING significant para kay Bong Revilla ang naganap na selebrasyon para sa ika-92 kaarawan ng kanyang ama at legendary “agimat” action superstar na si former Sen. Ramon Revilla, Sr..
For the first time ay present na siya sa birthday ng Daddy Ramon niya after mapiit ng ilang taon sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.
“Tama ka, first birthday ng Daddy na nandito ako. Ang sarap ng pakiramdam na kasama ko ang tatay ko, na hindi ako aalis after,” pahayag ni Bong.
Wala na siyang ibang wish para sa kanyang Daddy Ramon kundi ang humaba pa ang buhay nito, “Hindi ko alam kung aabutin ko ang edad niya. Pero kahit mabawasan ang buhay ko madagdag lang sa kanya, okey lang sa akin.”
Samantala, ipinakita namin kay Bong ang isang text message na natanggap namin regarding sa latest standing ng mga senatoriables mula sa isang survey.
“Well, ‘yung survey, maraming iba-ibang naglalabas na survey. Hindi mo na malaman kung ano ang totoo. Basta ang importante anywhere we go talagang welcome na welcome tayo sa mga mamayamang Pilipino. Mahal na mahal pa rin nila ako despite of the, kumbaga, ‘yung mga binato sa atin na putik, kita mo pa rin ‘yung pagmamahal sa akin ng mamamayang Pilipino,” lahad niya.
Thankful din siya sa misis niyang si Mayor Lani Mercado na tumutulong sa pag-iikot para ikampanya siya pati na ang kanilang mga anak na sina Bryan, Jolo at maging si Ina del Rosario na nagdadalang-tao para sa ikatlong anak nila ni Vince del Rosario na naka-base sa Davao City.
q q q
Almost complete ang mga anak at apo ni Mang Ramon na nagkasiyahan sa loob ng Revilla mansion sa Imus, Cavite last Friday.
Very emotional ang daddy ni Bong whenever may babati na mga dating kakilala na matagal na niyang ‘di nakikita.
Kabilang diyan ang stuntman/fight instructor na si Fred Moro. Kwento ng mga nakarinig nu’ng bumati si Fred kay Mang Ramon muli siyang nagpasalamat sa stuntman at sinabing hinding-hindi siya nito malilimutan.
Si Fred ay mister ng entertainment columnist/talent manager na si Ate Chit Ramos. Kwento niya sa amin, may ibinigay na sulat si Mang Ramon kay Fred.
“Nakalagay doon ‘I will never forget you. You saved my life,’ parang ganoon. Ipina-frame pa namin ‘yun. Kaya lang nu’ng nagka-Ondoy nawala lahat ‘yun,” kwento ni Ate Chit na kasabay namin kumakain that night.
May movie raw na ginawa noon si Mang Ramon kung saan sa isang eksena ay nakabitin siya patiwarik at sa ilalim nito ay may apoy. Bigla raw lumakas at naiba ang ihip ng hangin na saktong tatama sa katawan niya. Mabuti na lang daw at maagap si Fred. Naitulak niya ang katawan ni Mang Ramon palayo sa apoy.
Bukod kay Mang Ramon, kasabay din niyang nagdiwang that night ang iba pang March celebrators sa pamilya na sina PBA living legend Robert Jaworski, Bacoor City Cong. Strike Revilla at Cavite Vice Governor Jolo Revilla.
And speaking of Jolo, ka-join na sa family affair nila ang bago niyang girlfriend na si Angelica Alita. Relax na relax na ang dalaga na maka-bonding ang Revilla clan. At mukhang okey sila ng anak ni Jolo na si Gab.
In fairness, mas maganda pala siya sa personal at matangkad.
Among Mang Ramon’s children, naunang umalis ang next Mayor ng Antipolo na si Andrea “Andeng” Henares kasama ang kanyang mister na si former Mayor JunJun Henares and their kids.
Present din sa birthday celebration ni Mang Ramon ang panganay niyang anak na si Evelyn Jaworski, Bacoor Councilor Rowena Bautista Mendiola, Marlon Bautista with wife Gigi dela Riva na kadarating lang from the US, at si Princess Revilla with his son Anton Campo na ka-join ang girlfriend na si Georgina.
Nakausap din namin si Mayor Lani, aniya supposed to be sa malaking venue raw gaganapin ang birthday ni Mang Ramon pero baka isipin daw ng iba, especially ng mga kritiko ni Bong, na gagamitin lang ang birthday celebration bilang political rally.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.