Jessy tinawag na ahas ng basher: Bakit ako aamin kung hindi naman totoo?! | Bandera

Jessy tinawag na ahas ng basher: Bakit ako aamin kung hindi naman totoo?!

Ervin Santiago |March 11,2019
facebook
share this

Jessy tinawag na ahas ng basher: Bakit ako aamin kung hindi naman totoo?!

Ervin Santiago - March 11, 2019 - 02:27 PM

NATUTO na si Jessy Mendiola sa pag-handle ng mga bashers sa social media. Alam na niya kung kailan papatol at kung kailan mangdededma.

Isang netizen ang nagkomento sa isang Instagram photo ni Jessy, muli nitong binuhay ang tsismis tungkol sa pang-aahas umano niya kay Luis Manzano na boyfriend pa noon ni Angel Locsin.

Mukhang hanggang ngayon ay hindi pa nakaka-move on ang basher sa kabila ng katotohanang masaya na sa kani-kanilang personal life sina Angel (na meron ng Neil Arce) at Luis (na balak na ngang pakasalan si Jessy).

Hindi pa man nakakasagot si Jessy sa pang-aasar ng basher, ipinagtanggol na siya ng kanyang IG followers. Sabi ng isang netizen, “Bka expected ng basher you will admit to them na inagaw mo si LUIS kay Angel before para matahimk na sila sa pamba-bash sa Inyo…

“Ang tao minsan hindi satisfied sa mga ganyang sagot sa mga patutchada nila, isang malaking sagot bigay mo sa kanla at nasa tao na if maniniwala or Hindi pero in the end matahimik na sila ksi may closure na e,” sabi pa nito.

Dito na nag-comment si Jessy at sinabing hindi siya aaminin sa akusasyong walang basehan para lang tumigil ang basher. Aniya, “Bakit ako aamin ng hindi totoo?

Yung mga basher hindi nila alam ang totoong nangyari.

“Bakit ako aamin para lang tumigil sila? Para lang manahimik sila? Ang basher kahit anong sabihin mo hindi nila tatanggapin yun.

“Ilang beses ko nang sinagot sa mga interviews noon ang nangyari, pero naniwala ba sila? Hindi. Kaya dapat ipasa Diyos nalang yan, nakikita naman niya ang lahat.

“Good vibes lang Aisha, let go mon a yang issue nay an. Happy na kaming lahat,” paliwanag pa ng Kapamilya actress.

Muling humirit ang follower ng dalaga at ipinagdiinan na naniniwala sila na hindi niya inagaw si Luis kay Angel.

Sey naman ni Jessy, dedmahin na lang ang mga pambabastos ng bashers, “Kaya hayaan mo nalang maniniwala sila sa gusto nilang paniwalaan kahit pa mali o hindi totoo. God bless you.”

May isa namang nagsabi na nasasaktan sila kapag nakakabasa ng mga komento laban kay Jessy kaya sila na ang gumaganti sa mga haters.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi naman ng girlfriend ni Luis, “Wag kang masaktan sa mga nababa mo. May mga tao lang din talaga kasing insensitive eh.

“Pero gusto kong malaman mo na ayos lang ako, masaya ako ngayon at nasa mas mabuting lugar. (heart emoji). Maraming Salamat sa suporta mo. Isa kayo sa rason kung bakit ako nakatayo ulit. Sana makilala kita isang araw (kiss emoji),” dagdag pa ni Jessy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending