BILANG bahagi ng selebrasyon ng International Women’s Month, naglista kami ng pitong female celebrity na mas piniling lumaban sa buhay kahit nag-iisa lang para sa kanilang mga anak.
Sila ang mga babaeng hindi sumuko kahit nabigo sa pag-ibig, mga inang nagsakripisyo para mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak kahit nga wala silang tatay.
JENNYLYN MERCADO
Hindi man sila nagkatuluyan ni Patrick Garcia, napalaki nang maayos ni Jen ang anak nilang si Alex Jazz. Bukod sa mga acting awards, mas proud ang Kapuso Ultimate Star sa kanyang “trophy” bilang mommy.
“Kapag nakikita mo yung anak mo na lumalaki ng mabait, may respeto, mapagmahal, matalino, parang ikaw lahat ‘yun, di ba? Pinalaki mo siya nang mag-isa, so ikaw ang nag-instill sa kanya nu’n.”
JODI STA MARIA
Feeling blessed ang Kapamilya actress na si Jodi dahil sa pagkakaroon ng napakabait at responsableng anak. Mag-isa man niyang pinalaki ang anak nila ni Pampi Lacson na si Thirdy, naniniwala siya na may maganda siyang nagawa bilang ina.
Kuwento ni Jodi, hinding-hindi niya makakalimutan ang eksena kung saan may inabot na resibo sa kanya si Thirdy. Sabay sabing, siya na ang nabayad para sa field trip nila gamit ang kanyang naipong pera, “Thank You Lord for Thirdy! He is one of the greatest blessings and gifts I received from You!”
VINA MORALES
Wala ring swerte sa lovelife ang Kapamilya actress-singer. Nakailang boyfriend na rin si Vina pero wala sa mga ito ang nakatuluyan niya kaya naman ang hugot niya, “Uubusin ko na lang muna ang panahon ko para kay Ceana.”
Being a single mom ay hindi madali, pero napakasarap daw ng feeling kapag nakita mo na ang resulta ng pagsasakripisyo mo, “You know, being a mom, it’s the toughest job in the world but I’m determined to give my best to my daughter.”
AIKO MELENDEZ
“Never ko silang siniraan sa mga anak namin because I don’t want the kids to think less of them.” Ang tinutukoy ni Aiko ay sina Jomari Yllana at Martin Jickain, ang ama ng mga anak niyang sina Andre au Marthena, respectively.
Medyo maswerte lang ngayon si Aiko dahil may nandiyan ang current boyfriend niyang si Subic Mayor Jay Khonghun para umalalay sa pagpapalaki niya sa mga anak pero aniya, “Medyo mahirap pa rin dahil lumalaki na sila, iba na rin ang mga gusto nila sa buhay. But I’m doing my best para magabayan pa rin sila para lumaki silang mabubuti at marerespeting tao.”
KATRINA HALILI
After breaking up with R&B Prince Kris Lawrence in 2014, hindi na nagkaroon ng bagong karelasyon si Katrina.
Talagang ibinigay niya ang lahat ng kanyang oras sa anak na si Katrence. Mula nang magkaanak, mas naging seryoso pa siya sa pagtatrabaho, mabuti na lang friends pa rin sila ni Kris kaya kahit paano’y lumalaki si Katrence na may father figure.
“Simula noong nagka-Katy na ako, naging behaved na ako sa lahat ng mga kilos ko, sa mga sinasabi ko, sa mga ginagawa ko. Talagang iniingatan ko (image) ayokong masampal sa akin ng anak ko kapag may nagawa akong sablay o mali.”
SUNSHINE CRUZ
Isa na yata sa mga controversial break-up sa showbiz ang kina Sunshine at Cesar Montano. Talagang umabot sa korte ang kanilang kaso pero hanggang ngayon ay hindi pa rin naibibigay ni Buboy ang financial obligations sa tatlo nilang anak.
Kaya naman todo-kayod pa rin ang aktres para buhayin ang mga anak, “I was really scared before, wala akong pera eh, wala akong naipon. I was really scared kasi sabi sa’kin ng ibang tao, ‘Matanda ka na. Hindi ka na marunong umarte. Hindi ka naman maganda. You were just a sexy star before.’ Akala ko wala na akong mapupuntahan.”
“But 2013 was a blessing to me. Nagkaroon ako ng heartache but at the same time, I’ve proven to myself and to everyone na merong second chance sa buhay at naibigay sa akin ‘yon.”
KRIS AQUINO
Kung may isang single mother na talaga namang dumaan sa masalimuot ngunit makulay na buhay, ‘yan ay walang iba kundi ang Queen of Digital & Social Media. Si Kris ang itinuturing na superhero ng mga single at working momshie dahil sa kanyang katapangan at katatagan bilang babae at isang ina.
Dalawa sa napakaraming quotable quotes ni Tetay ang tandang-tanda namin hanggang ngayon. Ito ang, “Alam mo, hindi talaga mahirap maging single mom kasi mababait ang mga anak ko.” At ang “My sons show me everyday—I don’t have to be perfect in order for me to be LOVED.”
Payo naman niya sa iba pang single mother, “Kung kagaya niyo ako, and you are a single mom, continue to work hard because iba naman talaga ang nagagawa ng financial independence.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.