Chokoleit: Ang daming nagpapa-picture sa akin wala namang nag-upload, pag memory full ako unang idi-delete! | Bandera

Chokoleit: Ang daming nagpapa-picture sa akin wala namang nag-upload, pag memory full ako unang idi-delete!

Ervin Santiago |March 11,2019
facebook
share this

Chokoleit: Ang daming nagpapa-picture sa akin wala namang nag-upload, pag memory full ako unang idi-delete!

Ervin Santiago - March 11, 2019 - 12:20 AM

ISA si Chokoleit sa iilang artistang nakakakilala sa amin nang personal. Madali siyang makatanda ng pangalan ng mga ipinakikilala sa kanya.

Nagkakilala kami nu’ng kasagsagan ng career niya bilang stand-up comedian sa Laffline at Punchline comedy bar. Nagsisimula pa lang kami that time bilang entertainment editor ng BANDERA.

Sa ikalawang pagkikita namin, na-touch kami dahil tinawag talaga niya kami sa aming pangalan kaya mula noon tinatakan na namin si Chokie bilang isa sa iilang celebrities na totoong tao at walang kaplastikan. Hindi siya tulad ng iba na kahit ilang beses ka nang ipinakilala ay hindi pa rin nila matandaan kung sino ka.

Namaalam na nga si Chokoleit sa edad na 46. Kasabay nito ang pagbuhos ng magagandang mensahe patungkol sa kanya mula sa mga taong nakatrabaho at nakasama niya sa kanyang journey as a comedian.

Isa sa mga hindi namin makakalimutan sa mga paandar ng komedyante sa mga comedy bar ay ang makasaysayan niyang “Miss Universe” kung saan isa-isa niyang nire-represent ang ilang bansa na kasali sa nasabing beauty pageant.

Pagpapakilala pa niya sa sarili, “Nang magsabog ang Diyos ng kagandahan, bakit hindi ako inabisuhan? Pero hindi bale, naniniwala naman ako na kapag ang kagandahan ay nakamamatay, tiyak isa ako sa mabubuhay! And I thank you!”

Samantala, tila may premonisyon na si Chokoleit bago pa siya mamaalam. Kitang-kitang nahihirapan na siyang huminga habang nagpe-perform sa “Variety Show” last Saturday night sa Abra Sports Complex, Bangued, Abra.

Sa isang video clip ng huling performance ng komedyante na ipinost ng The Juans member na si Carl Guevarra, mukhang nagparamdam na si Cho-kie.

“Mas masarap pala kapag ang performer nakakarinig agad ng masigabong palakpakan para ganahan ang performer! Ganu’n! Ganyan! Totoo ‘yan, malaking bagay ang palakpak. Nakakaganang magtrabaho pag may palakpak,” simulang sabi ni Chokie.

Dito makikita na tila kinakapos na siya ng hininga, pero tuloy pa rin siya sa kanyang pagpapatawa, “Maganda ba ako sa malayo? Lipat kayo du’n,” sabi pa ng komedyante.

“Akala n’yo! Mali ang hula niyo, ‘no? Ang ganda ng introduction—isa sa may pinakamagandang mukha. Akala, nagkamali kayong lahat. Siyempre, ako ang mauuna! Kasi kung ako huli, baka hindi ko na kayo abutan! So, ako nga pala si Chokoleit!” aniya pa.

Tuwang-tuwa ang Kapamilya comedian dahil nakikita niya na enjoy na enjoy ang mga tao sa kanya, lalo na nang isa-isahin niya kung paano siya tinatawag ng mga tao sa iba’t ibang lugar.

Pagpapatuloy pa niya, “Isa na yata ito sa may pinakamagandang stage na napag-performan ko. If not the best! Ang galing! Nakaka-ASAP ng ABS-CBN, ‘no? Ganito ang level, ASAP le-vel,” ani Chokoleit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kalokah! The best! Ia-IG story ko ito, asan na yung PA (production assistant) ko? Kailangang naka-IG story ito,” aniya pa.
Kasunod nito ang tila nagtatampong spiel ni Chokoleit, “Kayo naman, manood kayong mabuti, ha? Lalo na sa akin! Ibaba niyo muna ang mga cell phone ninyo. Picture kayo nang picture, di naman ako naniniwala diyan.

“Ang daming nagpi-picture sa akin, wala naman akong nakitang nag-upload. Kalokohan yan! Picture-picture! Pag nag-memory full, ako rin ang unang idi-delete!” hirit pa ni Chokie kaya hagalpakan ang audience.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending