Bossing Vic, Joey nadamay na rin sa pangnenega kay Maine | Bandera

Bossing Vic, Joey nadamay na rin sa pangnenega kay Maine

Cristy Fermin |March 11,2019
facebook
share this

Bossing Vic, Joey nadamay na rin sa pangnenega kay Maine

Cristy Fermin - March 11, 2019 - 12:20 AM

MAINE MENDOZA

NAKAKAGULAT kung saan nanggaling ang pinagpipistahang isyu ngayon na tinanggal na sa Eat Bulaga si Maine Mendoza. Nakapagtataka rin kung totoo bang tinanggal na nga siya samantalang mula nu’ng taong 2015 ay bahagi na siya ng noontime show.

May lumabas pang kuwento na galit na galit daw ang magkaibigang Bossing Vic Sotto at Joey de Leon sa naging desisyon ng produksiyon, pero mas naniniwala kami na kung totoo ‘yun, si Joey mismo ang magpo-post ng kanyang emosyon sa social media.

Naging magulo na ang mundo ni Maine mula nang umamin siya tungkol sa pagkakamabutihan nila ni Arjo Atayde. Kung anu-anong kuwento na ang naglalabasan na parang fake news lang naman ang dating.

Galit na galit ang AlDub Nation members sa binatang aktor dahil ito raw ang humihikayat kay Maine na lumipat na sa ABS-CBN. Parang malayo ang paglalarawan kay Arjo na napakadisente at edukado.

At kung totoo nga na iniimbitahan ni Arjo si Maine na kumabilang-bakod na para magkasama na sila, ganu’n ba naman kanipis ang utak ng dalaga para basta na lang talikuran ang GMA 7 at TAPE, Incorporated na naging tulay ng kanyang tagumpay, huwag gawing bobo si Maine.

Talaga lang maraming kontra sa pakikipagrelasyon niya kay Arjo Atayde, lahat ay puwedeng gawing posible ngayon, dahil maraming umaaray sa naging desisyon niya.

Pero kung kilala nga natin si Maine Mendoza, may balls siya para ipaglaban ang relasyon nila ni Arjo, pramis!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending