Dingdong sa pagsikat ni Zia sa Vietnam: Nakakatuwa, mabuti nagmana sa mommy | Bandera

Dingdong sa pagsikat ni Zia sa Vietnam: Nakakatuwa, mabuti nagmana sa mommy

|March 11,2019
facebook
share this

Dingdong sa pagsikat ni Zia sa Vietnam: Nakakatuwa, mabuti nagmana sa mommy

- March 11, 2019 - 12:05 AM


HINDI imposibleng maging superstar din ang anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia Dantes.

Ngayon pa lang kasi ay star na star na ang bagets hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Isa si Zia sa mga napasali sa listahan ng “most beautiful children” of Asian celebrities na ipinost sa Vietnamese-based teen website Kenh14. Ang anak lang ng DongYan ang nag-iisang Pinoy sa list.

Nang hingan ng reaksyon si Dingdong tungkol dito sa nakaraan niyang presscon bilang first celebrity endorser ng snack brand na Persian A-venue, medyo nagulat pa siya. Mukhang du’n lang din niya ito nabalitaan.

“Nakakatuwa, siyempre. Sabi ko nga, mabuti nagmana sa ina. Kung hindi, hindi naman mangyayari ‘yon,” sabi ng Kapuso Primetime King.

Kung matatandaan, sumikat din si Marian sa Vietnam nang ipalabas doon ang serye niyang Temptation Of Wife, ang Pinoy version ng Koreanovela with same title.

Sa pagsikat ni Zia here and abroad, natanong si Dong kung nakikita na ba nila ang pagsunod nito sa yapak nila ni Marian, “Hindi natin masabi. Pero siyempre, kahit paano, sinisiguro namin na may re-gulations pa rin pagdating sa mga bagay na ganyan.

“Iba ‘yong pagsampa niya ng four or five years old, e, iba na ‘yong childhood niya. May mga pinaplano kami ni Ma-rian tungkol diyan. Alam mo ‘yon, para chill lang,” paliwanag pa ng aktor.

May idea na ba ang bata tungkol sa kasikatan ng kanyang parents, “Hindi pa. Alam niya yung mga camera, pero hindi niya alam kung bakit.

“Basta alam niya, yung mommy niya, kasi, kapag Sunday, sinusundo namin ang mommy niya sa GMA. So, alam niyang doon ang studio ng mommy niya.

“Sa basement pa lang, pagdating namin du’n, parang nare-recognize na niyang ‘sa work ni mommy ‘to, ah.’ Alam niya,” aniya pa.

Para kay Dingdong sakaling pumasok man si Zia sa showbiz o hindi, “Ang mahalaga, dapat maging mabu-ting tao siya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending