Emoterang aktres na laging may hugot sa lovelife iniskandalo ang buhay ng aktor | Bandera

Emoterang aktres na laging may hugot sa lovelife iniskandalo ang buhay ng aktor

Cristy Fermin - March 10, 2019 - 12:15 AM


SINISISI ng marami niyang katrabaho ang isang kilalang aktres na sumobra ang pagiging asyumera tungkol sa kanyang lovelife. Hindi kuno dapat ibunton ang sisi sa kanyang dating karelasyon kundi sa kanya mismo.

Sumobra ang pagiging asyumera ng female personality ayon sa mga sumusubaybay sa kanyang pakikipagrelasyon. Hindi pa man kasi ay umaasa na siya agad-agad hanggang sa kabiguan pala ang nasa bandang huli.

Kuwento ng aming source, “Magkaibigan na lang talaga sila, wala namang problema, hanggang sa in-assume ng girl na nakikipagbalikan sa kanya ang ex niyang male personality.

“Wala silang pinag-uusapang reconciliation, alam niya ‘yun at alam din ng guy, pero ang take pala niya sa pagiging close nila uli, e, magkakabalikan na sila.

“Kahit madalas silang magkasama, e, wala silang pinag-uusapang magbabalikan na sila. Alam nilang pareho ‘yun, kung bakit lang kasi naging sobrang asyumera ang girl na ito,” napapailing na kuwento ng aming chikadorang impormante.

Mahilig magmamam ang female personality, ‘yun ang pamana sa kanya ng isa niyang ex, palagi niyang niyayayang magnomo-nomo ang male personality na palagi niyang nakakasama.

Patuloy ng aming source, “Kaso, wala namang hilig sa pag-inom ang guy, trabaho-bahay lang siya, hindi tulad ng girl na mahilig talaga sa paglabas-labas.

“Siguro, du’n niya sasabihin sa guy ang gusto niyang mangyari, ang pagbabalikan sana nila, pero nawalan siya ng chance na masabi ‘yun. Kaya bakit sinisisi ngayon ang male personality?

“Bakit siya ang pinupupog ng mga fans ng girl na masyado raw paasa? Pinaasa ba niya ang girl, samantalang malinaw naman ang relasyon nila ngayon, magkaibigan lang talaga sila.

“Emotera kasi ang girl na ‘yan, e, palagi siyang may hugot kahit wala namang dahilan. Tuloy, napapaniwala niya ang mga fans niya na sinaktan lang siya at pinaasa ng ex niya! Hmph!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio (kumusta naman ang bakasyon n’yong mag-ina sa Japan?), wala nang clue, kilalang-kilala n’yo na kung sino ang babaeng ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending