Magnitude 6.2 lindol naitala sa Surigao; aftershocks ibinabala
NIYANIG ng magnitude 6.2 lindol ang Surigao del Norte Biyernes ng gabi.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-11:06 ng gabi. Ang epicenter nito ay 38 kilometro sa kanluran ng Burgos at may lalim na 16 kilometro.
Posible umanong magkaroon ng aftershock ang pagyanig na ito, ayon sa Phivolcs.
Naramdaman ang Intensity V sa Burgos, Surigao del Norte; Surigao City; at Dinagat Island.
Intensity IV naman sa Butuan City; Abuyog, Leyte, Hinunangan, San Francisco, San Ricardo, Tacloban City, Southern Leyte.
Intensity III sa Palo, Leyte; Borongan City; Cebu City; at Gingoog City.
Intensity II naman sa Camiguin Island at Argao City.
Intensity I naman sa Alabel, Sarangani: Cagayan De Oro City; Cebu City; San Francisco, Cebu; at Ormoc City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.