‘Napakamahal ng laway ng maangas at isnaberong male singer’
HANGGANG ngayon pala ay bitbit pa rin ng isang pamosong male singer ang pagiging mailap sa tao.
Ewan kung natatakot siya o nahihiya o kung anuman pero pagpansin ng mas nakararami ay isnabero siya.
Nu’ng minsang matiyempuhan ng mga kababayan natin ang male singer sa airport ay minsan pang umiral ang pagiging mailap niya. Nilapitan siya ng isang dalaga, gusto nitong makipag-selfie, pero tinalikuran ito ng magaling pa namang male singer.
Kuwento ng aming source, “Ewan kung ano ang feeling ng lalaking ‘yun! Ano kaya ang tingin niya sa sarili niya, siya na ang pinakamagaling na singer sa balat ng lupa?
“Talikuran ba naman niya ang girl na matagal na pala siyang paborito, instead na makiusap na huwag na, e, talagang tumalikod siya at lumayo sa girl.
“Naku, ibang klase talaga ang male singer na ‘yun na ang akala nga yata, e, siya na ang pinakasikat na personality ng mundo ng music!” inis na kuwento ng aming chikadorang impormante.
Kahit ang mga show promoters ay marami ring kuwento tungkol sa isnaberong male singer. Mahirap siyang makasama sa malalayong lugar.
“Hindi kasi siya nagsasalita. Ni hindi nga niya binabati kahit ang promoter na nag-akyat ng datung para sa kanya! Wala siyang kinakausap kundi ang PA niya na napapanis din ang laway dahil hindi naman siya madalas na kinakausap ng male singer!
“Nakabalik na sila ng Manila pero walang matandaan ang show promoter kung kahit minsan lang ba, e, kinausap siya ng male singer. Wala talaga! Napakamahal ng kanyang laway, sa totoo lang!
“Matagal nang ganyan ang male singer na ‘yun, naalala n’yo nu’ng magpakilala sa kanya ang isang female personality na aso lang ang hindi nakakakilala?
“Pagtalikod nu’ng aktres, e, nagtanong pa siya sa kanyang kasamang PA, ‘Sino ‘yun?’ Nakakaloka siya, saan kaya siya nanggaling na planeta at hindi niya kilala ang female personality na nagpakumbaba na ngang lumapit sa kanya?
“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, paluin n’yo nga ng kinayasang kawayan ang male singer na ‘yan!” pagtatapos ng naiinis naming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.