ARESTADO ang isang pulis matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Sampaloc, Maynila, Huwebes ng gabi.
Sinabi ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na isinagawa ang operasyon laban kay PO1 Ferdinand Rafael matapos ang isang reklamo mula sa isang hindi nagpakilalang concerned citizen na isang pulis ang madalas bumisita sa kanyang kuwarto para magbenta ng droga.
Idinagdag ng pulisya na lumalabas na aktibong pulis si Rafael na nakatalaga sa District Admin Holding Unit ng Manila Police District.
Ayon sa pulisya na nakakuha pa ng video kung saan makikitang sumisinghot ng shabu ang suspek.
Narekober mula sa Rafael ang 11 maliliit na pakete ng shabu na tumitimbang ng 15 gramo at nagkakahalaga ng P102,000, isang digital weighing scale, iba’t ibang drug paraphernalia, at ang P1,000 marked money.
Dinala ang suspek sa Regional Drug Enforcement Unit na nahaharap sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.