James nanindigan bilang judge ng Idol PH: I’m successful in my own field
IPINAGTANGGOL ni James Reid ang sarili laban sa mga nangnenega sa kanya bilang judge sa reality talent search ng ABS-CBN na Idol Philippines.
Binatikos at kinuwestiyon kasi ng ilang netizens kung bakit napasama ang boyfriend ni Nadine Lustre sa mga hurado ng IP samantalang wala pa naman daw masyadong napapatunayan ang binata sa larangan ng musika.
Makakasama ni James bilang judge sa programa sina Vice Ganda, Moira dela Torre at Regine Velasquez. Kaya sa nakaraang presscon ng upcoming concert ni James with Billy Crawford and Sam Concepcion, ang “The CR3W” hiningan siya ng reaksiyon sa mga negative comments ng bashers.
“Actually hindi ko pa nakita ‘yung reactions, so actually ayaw ko (tingnan ang reactions),” natatawang sagot ng binata. Dugtong niya, “I have an idea of what they are saying.”
Hirit pa ni James, wala siyang obligasyon na magpaliwanag sa kanyang detractors
Aminado naman ang singer-actor na hindi niya kailangan ipatunayan pa sa mga netizens na kumukuwestiyon sa kanyang kakayahan bilang isang hurado sa upcoming Kapamilya singing search.
“I have my own insecurities about being a judge and they picked me for a reason. (I have the) sound of now, I’m successful in my own field, and I have something to offer,” pahayag ni James.
“So it’s my opinion, you’re welcome to have your own,” dagdag pa ni James.
Para naman kay Billy Crawford na tatayong host ng Idol Philippines na makakasama rin ni James sa “The CR3W” concert, may dahilan kung bakit ang binata ang kinuha para sa nasabing reality talent search.
“It is a big show and that’s why reacting the way they are… I guess that’s why everybody is curious. And curiosity sometimes messes with people’s heads,” pahayag ni Billy.
Hirit pa niya, “Ang sa akin lang, siguro lahat ng tao ay entitled naman sa kanilang mga opinion sa totoo lang, everyone is entitled to speak. But when everybody is too harsh and too personal, that’s maybe people should draw the line, honestly.”
Ano ba ang hahanapin ni James sa mga contestant ng Idol Philippines, “Personally what I’m looking for, not so much on a technicality because that could be developed, what am I looking for really is the secret ingredient, you know something you don’t know why but you liked this person for a reason.”
Inaasahang sa kalagitnaan ng 2019 eere ang Idol Philippines sa ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.