DAPAT umanong tigilan na ng Malacanang ang paggamit sa narco-list bilang sandata laban sa mga kandidato.
Ayon kay Bayan Muna Rep. Neri Colmenares mistulang sinasakal ng Malacanang ang mga kandidato na natatakot na matalo kapag isinama sa listahan ng Palasyo.
“If they have adequate evidence then they should go to court and file a case, not dangle this supposed narcolist so that politicians would obey their whim in fear of being added to the list,” punto ni Colmenares.
Sinabi ni Colmenares na kung sa isyu ng pag-utang sa China ang pahayag ni Presidential spokesman Salvador Panelo ay magsampa ng reklamo sa korte, pagdating sa drug war ay “tokhang” at “narcolist” ang kanyang sagot.
“Pag taong bayan punta daw sa korte, pag sila, walang korte korte, bira agad. This state of impunity has to be stopped,” dagdag pa ng dating kongresista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.