Angel nag-sorry sa loyal fan na hindi napagbigyan sa selfie
NAG-SORRY si Angel Locsin sa isa niyang fan na nagreklamo dahil hindi siya napagbigyang makapagpa-picture nang dumalo ang aktres sa Panagbenga Festival sa Baguio lasy Saturday.
Nag-post si Angel ng mga litrato sa kanyang Instagram account na kuha sa nasabing event dito nga nag-comment ang isa niyang fan (@therealangelsmithrios) at naglabas ng sama ng loob dahil pinaasa raw siya ng staff ng aktres na makakapagpa-selfie siya sa dalaga.
Sumbong ng netizen, “Mga paasa yang dalawang yan sinabi na lang sana na di pwede para di na ako umasa pa! Ending NGANGA tuloy inabot ko @therealangellocsin.”
Dagdag pa niya, “Linulook forward ko pa sana kase finally aftr 7yrs makikita ulit kita! Ang malas tlaga hinabol ko pa kayo sa backstage mga 30minutes ako naghintay pero nakalabas na daw kayo! Sobrang nalungkot ako!”
Agad namang sumagot si Angel ng, “Hi! Sorry to heart that I hope magawa natin ito next time may program rin kasi na sinusunod, plus the organizers rin, kaya hindi rin asta pwedeng lumabas or mag decide sila magisa.
“Pero pasensya na talaga I know maiintindihan mo naman yun sayang hindi ka nagpunta sa harap para makapagpapic tayo. Salamat sa pagpunta Hope to see you tom.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.