Maymay payag bang sumali sa Bb. Pilipinas para sundan yapak nina Pia at Catriona?
AMINADO si Maymay Entrata na nape-pressure siya kapag natatanong tungkol sa pagsali sa mga beauty pageant.
Marami kasi ang nagtutulak at kumukumbinsi sa Kapamilya youngstar na subukan niyang mag-join sa Binibining Pilipinas dahil baka siya na ang susunod sa yapak nina 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach at 2018 Miss U Catriona Gray.
Ito’y dahil na rin sa pinag-usapan at trending na pagrampa niya sa “Raise Your Flag” homecoming celebration para sa pagbabalik-Pilipinas ni Catriona.
“Kapag beauty queen kasi hindi po clear sa akin kung ‘yun ang gusto ko. Maraming salamat po sa nagsasabi, para akin, magiging mahirap ‘yun, marami pa akong pina-priority sa buhay ko may trabaho po dito sa showbiz,” ang pagpapakatotoo ni Maymay sa panayam ng entertainment press kamakailan.
Nagpapasalamat siya sa lahat ng naniniwala sa kanyang kakayahan bilang model, “Sa pageant naman po, salamat po lahat ng naka-appreciate sa lakad ko, para sa akin malabo pa na gusto ko siya sa ngayon.”
Aniya pa, never niyang pinangarap ang maging beauty queen, “Sinasabi ng Lolo ko. Sabi ko, ‘Maawa ka sa akin. Wala akong dibdib, ‘tay,’” natatawa pang kuwento ng ka-loveteam ni Edward Barber.
At tungkol naman sa balitang isa siya sa pinagpipilian para bumida sa life story ni Catriona, narito ang napaka-humble na paliwanag ni Maymay, “Ang alam ko po, isa po ako sa mga gusto ni Ms Catriona Gray, pero kung papagawain po ako?
“Talagang overwhelmed ako. Sobrang humbling na ako ang isa sa mga pinili ni Ms. Catriona pero ganoon nga po nakakakaba talaga,” chika pa ni Maymay.
“Tsaka gusto ko sang-ayon lahat ng tao, gusto masaya lahat sila, hindi ‘yung ‘a bakit siya?’ ganito, ganyan dapat kung ano ang majority na gusto ng tao ‘yun ang dapat sundin,” dagdag pa ng dalaga.
Hirit pa niya, talaga namang napakalaki ng pagkakaiba nila ni Catriona, “Siguro po kasi, magkaiba kami ng culture ni Ms. Catriona. Hindi ko alam kung nagdadalawang-isip sila ganu’n. Tsaka alam n’yo naman na ang ganda ni Ms. Catriona. English din siya, alangan naman na mag-English din ako sa MMK?”
Bago pa mag-trending ang pagrampa ni Maymay ala-Catriona Gray sa Big Dome, nauna nang nagmarka ang galing ng dalaga sa runway sa Arab Fashion Week last year kung saan nakipagsabayan siya sa mga international ramp models.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.