Agot inasar si Imee sa isyu ng UP at Princeton; may babala sa netizens
AGOT Isidro took a swipe at Imee Marcos nang i-retweet niya ang report ng GMA correspondent na si Dano Tingcungco.
“Babala: (hindi nagpapatama) Ang sobrang retoke ay nakakabingi. #proof,” caption ni Agot sa tweet ni Dano which read: “Since this weekend, we tried to get Ilocos Norte Gov. Imee Marcos’ comment on UP’s statement that there is no record of her graduation from UPD nor any honors or distinctions received; we asked her again this afternoon in Valenzuela.”
Inulan ng batikos si Agot, kaliwa’t kanang bira ang inabot niya sa mga bayarang alipin at mga idiot na fans. Talagang kung anu-ano ang pinagsasabi against her.
Pero may mga nag-react naman na pabor kay Agot at ipinagtanggol ang kanyang punto about Imee Marcos.
“Naniniwala kasi sya sa less talk less mistake. Kasi magsisinungaling din naman sya e.”
“Kung may ‘selective memory’ meron din pala ‘selective hearing’ ang tao!!! Pinipili lang ang naririnig.”
Dalawang beses nang na-deny na graduate si Imee. Una ay ang UP Diliman at pangalawa ay ang Princeton University.
Sa dalawang denials ay walang pahayag si Imee. Napakadali namang magpakita ng pruweba pero hindi niya ito ginawa.
If someone makes some claim about her school credential, hindi ba dapat she should back-up her claim.
She should substantiate her claim, ‘di ba, para patunayang totoo ang kanyang sinasabi.
q q q
Aliw na aliw si Maymay Entrata sa kanyang role sa Alamat ng Ano na ipalalabas sa iWant.
She plays kasi Nura as in Nora Aunor habang si Kisses Delavin naman ay si Velma.
“Hindi naman po talaga kailangan naming gawin na seryoso,” say ni Maymay about her role.
“Noong nagsu-shoot kami ay sobrang ngarag lagi kasi kailangang matapos. Pero masaya kasi nag-aaway kami ni Kisses. Sobrang ngarag nga pero dahil nandiyan si ate Lassy at ate Negi ay nakaka-good vibes.
“Kaya nag-aaway kami ay dahil artista kami dito. Mayroong sabunutan na scene tapos nagkakatotoo doon sa kuwento. Hanggang sa umabot sa may iisang lalaki na crush kami,” kuwento ni Maymay.
Walang hesitation na tinanggap ni Maymay ang project kahit na nakikita ito ng ilan bilang isang competition. Maraming beses na kasing pinagsasabong sina Maymay at Kisses ng fans.
“Hindi kami nagdalawang-isip. Noong nagsu-shoot kami ay nag-uusap din kami about doon sa nag-aaway na fans.
“Para sa amin ay pinapabayaan na lang namin sila kaysa naman parang kinukunsinti pa namin sila,” say ni Maymay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.