Phillip: Hindi ko niloko si Kris, minahal ko siya! | Bandera

Phillip: Hindi ko niloko si Kris, minahal ko siya!

Cristy Fermin - March 03, 2019 - 12:15 AM


MARAMING kaibigan ang nagtatanong sa amin kung wala raw bang kapatid si Kris Aquino na nagpapayo sa kanya ng mga dapat at hindi dapat gawin?

Wala rin daw ba siyang mga kaibigan na puwedeng kumontrol sa mga naiisipan niyang aksiyon na sa halip na makabuti ay nakasasama pa nga sa kanyang imahe?

Maraming ganu’ng tanong tungkol kay Kris, wala raw ba siyang sinusunod-pinakikinggang tao para hindi siya basta-basta sumusuong sa kung anu-anong laban na ikinapapahamak niya lang?

Komento pa ng isang kausap namin, “Like ngayong binira niya si Phillip Salvador, busog na busog siya sa negative comments sa social media. Grabe ang mga salitang ibinubuwelta sa kanya.

Nasaksihan kasi ng publiko ang kabuuan ng video na ikinagalit ni Kris sa ama ng kanyang anak. Edited kasi ‘yun sa paglilitanya ni Kris.

Balik-komento ng aming source, “May sinabi du’n si Phillip na pagtatanggol sa kanya, kung ‘yun ang hinahanap niya! Ang sabi ni Ipe bilang sagot kay SAP Bong Go, ‘Hindi ko niloko si Kris! Minahal ko siya!’

“E, bakit sa FB Live niya, e, wala ‘yung portion na ‘yun? Bakit hindi niya isinama sa paglilitanya niya? Meron ‘yun! In-edit lang niya para kaawaan siya ng publiko!” madiin pa nitong komento.

May basher pang nagkomento na dahil wala na nga raw talk show si Kris dahil pinagsaraduhan na siya ng pintuan ng ABS-CBN ay magtrabaho na lang siya bilang editor sa pelikula at telebisyon.

“Magaling siyang mag-edit to her advantage, bakit hindi na lang siya mamasukang film editor?” madiing sabi nu’ng basher.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending