Kampo ni Kris sa Falcis Brothers: Hindi pa tapos ang laban, May 6 pa
NITONG Martes nang gabi ay lumabas na sa balita na na-dismiss din ang 44 counts of qualified theft na isinampa ni Kris Aquino sa Pasig court laban dating business associate na si Nicko Falcis.
Dalawa na ang nadi-dismiss sa walong kaso laban kay Nicko, ang ina nga ay ‘yung sa Makati at ngayon nga ay itong sa korte ng Pasig, pero hindi pa dapat magdiwang ang kabilang kampo ayon sa legal counsel ni Kris na si Atty. Sigfrid Fortun.
“There are still six other cases left. The result of the two will not affect the six others. Even if it does, none of the dismissed cases found absence of wrongdoing by respondent. It in fact found that credit was used by respondent for the purchase of goods using a company card.
“So, he (Nicko) is not yet off the hook. And he will still have a lot to pay for what he had done. Hindi pa tapos ang laban. Huwag muna umastang panalo na,” ayon sa abogado ni Kris sa panayam ng Pep.ph.
Maraming nagtatanong sa amin kung bakit sa pitong siyudad sa Metro Manila isinampa ni Kris ang kasong 44 counts of qualified theft, sagot namin ito’y dahil sa mga nabanggit na lugar ginamit diumano ni Nicko ang credit card na pag-aari ng KCA Production.
Ang nasabing credit card ay maaaring gamitin ni Nicko sa mga pangangailangan lang ng KCAP kaya nang madiskubre ni Kris na may mga personal transaction ang dating business partner ay inalmahan niya ito at nagdemanda.
Umaasa ang kampo ni Kris na mabibigyan pa rin ng hustisya ang kanyang kaso sa ibang siyudad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.