Piolo ninong ng 4 na anak ni Yul: Galante siya! | Bandera

Piolo ninong ng 4 na anak ni Yul: Galante siya!

Reggee Bonoan |February 28,2019
facebook
share this

Piolo ninong ng 4 na anak ni Yul: Galante siya!

Reggee Bonoan - February 28, 2019 - 12:20 AM


INAMIN ni Yul Servo na malaking tulong sa kanyang political career sa ikatlong distrito ng Maynila ang nagawa niyang pelikula kasama si Nora Aunor noong 2004, ang “Naglalayag”.

Sa tuwing makikita raw kasi siya ng mga kadistrito niya ang laging sinasabi ay napanood siya sa pelikula ng nag-iisang Superstar.

Malaki na ang ipinagbago ngayon ng aktor-politiko na dati ay mahiyain, naging madaldal na raw siya na kitang-kita naman nang humarap siya sa ilang members ng entertainment media para sa kanyang birthday at thanksgiving party.

Nagbalik-tanaw si Yul o John Marvin Nieto sa tunay na buhay, noong konsehal pa lang siya, aniya inaabot siya ng umaga para isa-isang puntahan ang lahat ng lamay sa kanilang lugar.

“Naalala ko po noong nagsisimula pa lang ako ng 2007 bilang konsehal kapag pupunta ako sa patay, may mga nagpapa-picture, nahihiya po ako, pero naisip ko na sa pamamagitan ng pagpapa-picture nila, nababawasan kahit paano ang pighati nila,” kuwento pa niya na kumakandidato sa ikalawang termino bilang kongresista sa 3rd District ng Manila.

Labingdalawang taon na raw nag-iikot si Yul kapag may mga patay sa distrito niya, sa katunayan umaabot daw sa 60 hanggang 100 patay ang napupuntahan niya sa isang buwan. Maging sa binyagang bayan at kasalang bayan ay lagi ring imbitado si Yul na talagang pinupuntahan niya.

Samantala, natanong naman si Yul kung nagpapadala pa rin ng tulong pinansiyal ang kaibigang si Piolo Pascual para sa kanyang mga proyekto sa Maynila.

“Noong konsehal po, tumulong siya ng pinansiyal, ngayon po hindi ko na hinihingan kasi nakakahiya na at saka kaya na rin naman.

“Nito lang po ay namigay siya ng 1,500 pieces na loot bags at ham para ss distrito ko, pa-birthday niya sa kababayan ko. Kaya tuwang-tuwang sila. Siya mismo ang nagkakamada nu’n. Tapos nagbigay din siya ng 1,000 pieces na rubber shoes para sa mga estudyante,” kuwento pa ni Yul.

Aware rin si Yul na may mga negatibong balita na lumalabas tungkol kay Piolo.

“Kabisado ko naman kung paano siya magdala (ng intriga) dahil matagal ko na siyang nakasama. Alam ko kung paano niya i-handle ang kanyang buhay. Kayang-kaya niya iyon,” say ng politiko.

As of now ay matagal na silang walang komunikasyon ni Piolo dahil alam niyang abala ito sa maraming bagay pero alam niya na kapag humingi siya ng tulong sa aktor ay hindi siya mahihindian nito.

“Napakabait na tao po ni Piolo, sobrang generous, ninong siya ng apat na anak ko at galante siya magregalo sa kanila,” ani Yul.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maraming batas na naipasa na si Yul at makikita ang lahat ng ito sa website nila sa Congress.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending