Kris na-offend sa ‘show’ ni Bong Go at Philip Salvador
MATAPOS ma-offend si Kris Aquino, ititigil na umano nina dating Special Assistant to the President Bong Go at Philip Salvador ang script na kanilang ginagamit sa kampanya.
Ayon kay presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte alam nina Go at Salvador ang dapat na gawin.
“I’m sure, ngayon nagsabi na ‘yung object ng kanilang skit that she is offended, I’m sure they will listen because they are the kind of people who are aware kung ano ang kailangan nilang gawin,” saad ni Duterte.
Sa isang speech sinabi ni Go: “kung meron po kayong nagawang kabutihan sa isang siyudad kinikilala po siya as adopted son of the city, pero si Epi (Salvador) po kakaiba po yung recognition na ibinigay sa kanya, adopted father of Davao City, kasi po nag-iwan po siya ng apat na anak sa Davao…. Totoo naman eh (sabay tingin kay Epi).
Maririnig naman na may sinabi si Epi na sinundan ng sagot ni Go na: “Naloko mo nga si Kris Aquino”.
Napanood ni Aquino ang video at nag-post ito sa kanyang Instagram account.
“Wala po akong atraso sa inyo SAP BONG GO. i have only had good words for you pero sana sa paglilingkod nyo para sa mga Pilipino bilang Senador (i know you are a SURE WINNER), sana priority nyo rin po ang mga kababaihan. Kris Aquino na ko pero madaling gawing “joke” na “naloko” ako ng ama ng panganay ko. Nagtrabaho ako, at hindi ako pinabayaan ng pamilya ko. But what about the women without financial security & family?” ani Aquino.
Si Salvador ay mayroong anak kay Aquino—si Josh.
Si Duterte ang lider ng Hugpong Ng Pagbabago na nangangampanya para sa 13 kandidato sa pagkasenador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.