INAMIN ni Loisa Andalio na may pagkakataon na inaatake rin siya ng selos lalo na kung meron siyang pinaghuhugutan.
Ayon sa Kapamilya actress, sa relasyon nila ngayon ng kanyang boyfriend na si Ronnie Alonte masasabi niyang mas naging strong ang pagsasama nila ngayon matapos mabalita noon na naghiwalay na sila.
Aniya, mas nag-mature na sila ni Ronnie kaya bihira na silang magkatampuhan o magkaroon ng hindi pagkakaintindihan. Mas naging open at totoo na rin daw sila ngayon sa kanilang nararamdaman.
“Kami ni Ronnie, sobrang naging okay kami sa mga tao. Kasi para sa akin, bakit natin itatago kung ano ang meron tayo, obvious naman at halatang halata naman e, ‘di ba?
“Ang pangit naman kung makikita tayo ng mga tao na very sweet tapos hindi naman talaga tayo, parang hindi naman maganda ‘yun.
“Para sa akin, mas okay na nakikita nila tayong sweet, at least alam nila, ‘Ah kaya sila sweet kasi sila,’” ang pahayag ni Loisa sa isang panayam.
Nilinaw naman ni Loisa sa isang interview ng ABS-CBN ang tungkol sa pamba-bash kay Ronnie dahil sa halip na sabihan siya ng binata ng “I Love You” sa isang Instagram post niya kamakailan ay “1-4-3” lang ang isinulat nito.
“Hindi kasi si Ronnie talaga maganu’n, e (nag-a-I love you) sinasabi kasi niya sa akin ng personal. ‘Yun naman ang mas importante po talaga, ‘di ba? Kasi minsan hindi natin alam na very sweet ‘yung iba sa social media pero importante pa din ‘yung totoo,” sey pa ng dalaga.
At tungkol naman sa isyu ng pagseselos, “Lahat naman siguro ng may dyowa selosa, pero depende kung kanino ka mag seselos. Pero kasi ‘di ba, hindi ka naman mag seselos kung wala ka naman dapat na ipag
selos?
“Dapat bilang may dyowa, alam dapat natin kung ano ang limit natin, para walang mag seselos at masasaktan,” dagdag pa ng dalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.