Gladys kay Katrina: Ang sarap niyang saktan, game na game! | Bandera

Gladys kay Katrina: Ang sarap niyang saktan, game na game!

Ervin Santiago - February 27, 2019 - 12:10 AM


TOTOO bang nagkakapikunan na sina Gladys Reyes at Katrina Halili sa mga “fight scenes” nila sa primetime series na TODA One I love? Grabe naman kasi talaga ang mga confrontation nila sa serye, pisikalan at sakitan talaga ang labanan.

Kaya naman ang tanong ng mga manonood, hindi nga kaya nagkakapersonalan na ang dalawa dahil sa makatotohanang bugbugan, sampalan at sapakan nila sa nasabing Kapuso serye bilang sina sina Dyna at Georgina.

Ayon kay Katrina talagang may mga pagkakataong nagkakasakitan talaga sila, “Hindi naman po maiiwasan na magdadampi talaga yung mga kamay namin. Masasabunutan, ganyan. Pero, okay lang naman po.”

Hirit naman ni Gladys, “Walang pikunan at ang sarap saktan nito! Kasi game na game! Pagkatapos ng cut, wala naman kaming nakikitang bukol sa isa’t isa, wala namang dugo so far.”

Pero natutuwa ang dalawang Kapuso stars dahil talagang inaabangan ng mga manonood ang kanilang mga nakakalokang eksena. Sabi nga ni Gladys na ginaya pa si dating pangulong Gloria Arroyo sa isa niyang eksena kung saan siya nag-sorry sa mga kasalanang nagawa niya, “Masasabi ko lang sa supporters namin ay, ‘Fabulous!’”

Napapanood ang TODA One I Love sa GMA Telebabad after Onanay. Kasama rin siyempre rito ang love triangle nina Kylie Padilla, David Licauco at Ruru Madrid.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending