‘Allergy In Love’ na idinirek ni Joross nasa iWant na | Bandera

‘Allergy In Love’ na idinirek ni Joross nasa iWant na

- February 27, 2019 - 12:25 AM


MAS madali nang mapapanood ng Pinoy mobile subscribers ang mga paborito nilang TV show at pelikula sa iWant, ang streaming service ng ABS-CBN, sa pamamagitan ng mga murang promo na hatid ng Smart at Globe.

Sa pamamagitan nito, mapapanood na sa iWant ang bagong original shows at movies nito na “Allergy in Love” na idinirek ni Joross Gamboa, ang nakakakilig na movies na “The Gift” at “S.P.A.R.K.,” at “Apple of My Eye,” ang erotic-drama anthology series na “Hush,” action-suspense series na “High,” at ang “Project Feb. 14.”

Mae-enjoy na rin ng sports fans ang ilulunsad na iWant Sports section sa loob ng iWant app at website kung saan mapapanood nang live ang mga laro ng iba-ibang sports at liga, pati na mga dokumentaryo at specials sa iba’t ibang atleta.

Para sa Smart, TNT, at Sun subscribers, mag-register lang sa Smart Gigasurf 99 na may Video Every Day at para sa Globe subscribers naman, maaaring mag-stream sa halagang P29 sa pag-register sa GoWATCH.

Sa pagpasok ng 2019, nagtala na ng 11.3 milyong registered users ang iWant, ang natatanging streaming service sa bansa na may pinakamalaking kolesyon ng pelikula at palabas. Mapapanood nang libre dito ang iWant original movies at shows gaya ng “Glorious,” “Spirits Reawaken,” “Ma,” “Alamat ng Ano,” at “Laureen on a Budget,” pati na ang mga luma at kasalukuyang umeereng Kapamilya shows, mga pelikula, documentaries, Asianovelas, live digital concerts, at ang livestreaming ng “Camp Star Hunt,” “iWant ASAP,” DZMM TeleRadyo, ABS-CBN Channel 2, at ABS-CBN S+A. Mapapakinggan din sa iWant ang libo-libong awitin ng sikat na Pinoy singers.

Maaari ring gamitin ng mga subscribers ang kani-kanilang accounts na pambayad para makapanood ng “premium content” kagaya ng foreign at digitally restored Filipino classic films, at ang pinakabagong hit Pinoy movies sa pamamagitan ng pay-per-view.

Panoorin ang mga paboring pelikula sa iWant sa iOS o Android apps o sa web browser sa iwant.ph.
Ang iWant ay kabilang sa digital initiatives ng ABS-CBN na nagpapatunay sa patuloy nitong pag-transition bilang isang digital company dahil sa patuloy na paglawak ng online presence nito at pagdami ng digital properties.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending