NAGBANTA si Pangulong Duterte sa mga magtatangkang pumatay sa mga obispo at pari.
“Ako I was just responding, sinagot ko lang pari na mamatay na kayo. Pero wag nyo talaga patayin mga obispo, at pari. It is not allowed. Pag ginawa mo ‘yan, ako mismo kalaban mo, kasi ginawa mo yan para siraan ako. Ano makuha ko, bakit ko patayin ang pari?” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa 1st national assembly ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas sa Pasay City.
Ito’y taliwas sa kanyang naunang pahayag kung saan hinimok niya ang mga tambay na patayin o nakawan ang mga obispo.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Duterte na isang text message ang ipinadala ni Manila Archbishop Luis Cardinal Tagle kaugnay ng umano’y death threat kay Bishop David at iba pang pari na galing sa nagpakilalang bahagi ng first family.
“Ang sagot ko ganito, ‘yang aming away ko sa Katoliko amin lang yan personal. Kayong mga adik, ‘wag ninyong totohanin ‘yong pukpokin yung bishop at kardinal, hindi sila kasali sa political ruckus,” dagdag ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.