Negros Occidental, Ormoc City may tig-4 ginto agad sa Batang Pinoy Visayas | Bandera

Negros Occidental, Ormoc City may tig-4 ginto agad sa Batang Pinoy Visayas

- February 25, 2019 - 08:19 PM

NAGING kauna-unahang gold medal winner sa 2019 Philippine National Youth Games-Batang Pinoy Visayas qualifying leg si Elika Salmorin ng Negros Occidental (318) matapos magwagi sa girls’ 2000m walk Lunes ng umaga. PSC PHOTO

ILOILO City — Tig-apat na gintong medalya ang agad na iniuwi ng Negros Occidental at Ormoc City upang pamunuan ang unang araw ng kompetisyon ng ginaganap dito na 2019 Philippine National Youth Games-Batang Pinoy Visayas Qualifying leg sa iba’t-ibang lugar sa paligid ng Iloilo Sports Complex.

Nagawang hablutin ng Negros Occidental ang pinakaunang gintong medalya sa multi-sports na torneo para sa mga kabataang in and out of school youth sa pagwawagi ni Erika Salmorin sa pinakaunang event ng tatlong araw na athletics sa Girls’ 2000m walk.

Kinailangan lamang ng 14-anyos na si Salmorin na talunin ang nakalaban na si Rhyza Vaflor mula sa Escalante sa oras nito na 14:16.08 upang angkinin ang pinakaunang gintong medalya nakataya sa isang linggong torneo pati na ang kanyang silya sa National Finals na itinakda sa Oktubre alinman sa Ormoc City o sa Tagbilaran.

Inialay naman ng Grade 9 estudyante sa Romanito Maravilla, Sr. National High School at pinakabunso sa pitong magkakapatid na si Salmorin ang panalo sa kanilang 25-anyos na panganay na si Eduardo na may epilepsy.

“Gusto ko po kasi tulungan ang kapatid ko. Pambili ko po ng bulong (gamot) ang anuman na insentibong makukuha ko dito saka pati po sa probinsiya,” sabi ni Salmorin.

Sinandigan naman nina Coby Marcus Rivilla at Maria Angela Cimafranca ang masaklap na karanasan sa Bagyong Yolanda upang matutong mag-aral sa swimming at sumali sa iba’t-ibang kompetisyon upang hindi lamang magwagi kundi masanay sa karanasan sakaling muling may dumating na matinding pagbaha.

Nagwagi si Rivilla ng ginto sa boys’ 12-and-under 200m individual medley (2:44.67s) habang si Cimafranca sa girls 13-15 years old 200m individual medley (2:44.68).

Nagdagdag din ng ginto para sa Ormoc City sina Rex dela Cruz, Jr. sa 50m backstroke gold for boys 12-and-under (35.93s) at Martina Anele Estrella sa 50m backstroke girls 12-and-under (37.68).

Ang tatlo pang ginto ng Negros Occidental ay nagmula naman kay Troy Castor na nagwagi sa boys 12-under 100m freestyle (1:07.94), kasama sina Alexie Kouzenye Cabayaran na pinakauna naman nakapagwagi ng dalawang ginto sa pagwawagi sa girls’ 13-15 100m freestyle (1:02.36) at 50m backstroke (32.01s).

Ikaapat si Jay-R Punzalan na nagwagi sa 50m backstroke 13-15 boys sa oras na 30.61 segundo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending