Pacquiao napiling TOPS Athlete of the Month | Bandera

Pacquiao napiling TOPS Athlete of the Month

- February 25, 2019 - 06:49 PM

BILANG pagpupugay sa kanyang patuloy na tagumpay, hinirang ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) si world boxing champion Manny Pacquiao bilang “TOP Athlete of the Month” para sa buwan ng Enero.

Ang unanimous decision na panalo ni Pacquiao laban kay Adrien Broner sa kanilang WBA welterweight title fight sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada, USA noong Enero 19 ay nagbigay sigla sa Philippine sports sa buwan ng Enero, ayon sa TOPS.

“Ang nasabing panalo ni Pacquiao ay naging magandang panimula rin para sa mga atletang Pilipino na sasabak pa sa mga laban ngayong taon,” pahayag ng TOPS sa isang resolusyon na nilagdaan ng mga opisyales at miyembro nito.

Ang iba pang mga atleta na nakunsidera rin ng TOPS para sa kanilang monthly citation ay sina rising tennis star Alexandra Eala at boxing champion Al “The Rock” Toyogon.

Si Eala ay dalawang ulit na naging runner-up sa dalawang international tournament na ginanap sa India upang umangat ang kanyang International Tennis Federation ( ITF) junior ranking sa No. 162 mula No. 218.

Nag-runner-up ang 13-anyos na si Eala sa DKS ITF Junior Championship sa Kolkata at India ITF Juniors sa New Delhi noong nakalipas na buwan.

Samantala, tinalo ni Toyogon ang kalabang si Ryusei Ishii ng Japan sa “Night of Champions” sa Elorde Sports Center sa Sucat, Parañaque City noong Enero 26.

Ang TOPS, na pinangungunahan ni People’s Tonight sports editor Ed Andaya, ay binubuo ng mga sports editors, reporters at photographers ng mga pangunahing national tabloids.

Ang TOPS din ang presentor ng “Usapang Sports”, ang weekly sports forum na itinataguyod din ng Philippine Sports Commission (PSC) at National Press Club (NPC).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending